Chapter 38: Explaining things

1.4K 47 6
                                    

“Aahh a-ray~” mahinang daing ni Sagi habang dahan-dahang ikinikilos ang kanyang katawan. Dalawang araw na din ang lumipas nung nakipaglaban siya sa Golem upang protektahan si Bleak at ang pinsan nitong si Shawn. Ayon kay Lilian ay nasobrahan siya sa paggamit ng kanyang kapangyarihan at sobrang nabigla ang kanyang katawan dahil sa dami ng incantation na ginamit niya.

Kasalukuyan siyang nakahiga ngayon sa kanyang kama at wala siyang magawa kundi ang magpahinga. Saka namang pagpasok ni Lilian sa kanyang silid.

“Ano  ka ba naman Sagi?! Sinabi ng wag ka na munang magkikilos eh.” Saway ni Lilian kay Sagi ng maabutan niya itong nagpipilit na tumayo. “Magpahinga ka na muna. Kung hindi ka makikinig ay baka mas matagalan ka pa sa ganyang sitwasyon.” At inalalayan ni Lilian si Sagi na mahiga ulit sa kanyang kama.

“Wew~ eh pakiramdam ko lalong sumasakit ang katawan ko habang nakahiga lang ako dito .” nakasimangot na tugon ni Sagi.

“Ikaw naman kasi eh, bakit ka gumamit ng napakaraming incantations? Hindi ka pa ganoong kahusay sa paggamit ng mga incantations na itinuro ko sayo pero sumubok ka na kaagad na gawin yung mga ginagawa ko. Kaya ayan, nanghihina ng sobra ang katawan mo.”

 

 

 

“Sa totoo lang ay di ko alam na gagana yung mga iyon eh, sinubukan ko lang talaga. Kung nakipagkasundo lang kaagad ang Bleak na iyon kay Jasmine ay baka hindi naman ako nasa ganitong kalagayan. psssh”

 

“Teka, matanong ko lang Lian, ganoon ba talaga ang kapangyarihan ng Earth meister?  Nagagawa niya iyong kontrolin kaagad?”

 

 

“Hmmm kung pagkontrol ay hindi pa gaano.” Napapaisip na wika ni Lilian.

 

 

“Eh paano niya nagawa iyong malaking espada na ginamit niya? Isa ba iyong incantation?”

 

 

“Ayon kay Jasmine si Bleak ay matagal ng malapit sa kanyang elemento. May maliit na garden na inaalagaan si Bleak na mula pa sa kanyang yumaong mga magulang. Kung naalala mo noong naguumpisa ka pa lang sa pagkontrol ng iyong elemento ay sinabi ko sayo na dapat na konektado kayo nito, kailangan mong isipin na magkaisa kayong dalawa at kabahagi siya ng iyong katawan at pagkatao.”

 

 

“At si Bleak na may garden ay konektado na sa Earth element bago pa niya makuha ang kanyang kapangyarihan. Kung naging swimmer siguro ako malamang madali na sa akin ang kontrolin ang aking elemento.” Medyo naiinis na tugon ni Sagi.

 

 

“Maari. Pero hindi ka malapit sa iyong elemento at ang malala ay ayaw mo sa tubig.”

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now