2nd Arc: Chapter 2

1.5K 28 16
                                    


Sa kalaliman ng gabi ay bumabagabag sa mga mamamayan ng bayan ng Agomi ang nagngangalit na mga kidlat at kulog. Walang humpay din ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Halos maputol naman ang mga sanga ng puno at mabuwal ang ilan sa lakas ng hangin.



Walang kuryente sa lugar dahil sa lakas ng bagyo. Tanging mga ilaw sa mga kandila at gasera ang nagbibigay liwanag sa mga kabahayan.


Sa bahay naman nina Hibiscus at Tulip ay mataman silang nagmamasid at nakikiramdam sa paligid. Naka-alerto sila sa anomang mga kakaibang pangyayari na gagawin ng mga kalaban. Ilang oras na lamang at magla-landfall ang bagyo sa kanilang bayan.


"Kami na ang bahalang magmatyag. Ang mabuti pa ay magpahinga na kayong dalawa. Kailangang nakapahinga kayo ng maayos bago makipaglaban." Suhestyon ni Hibiscus kina Lilian at Sagi. Tumango naman ang dalawa sa pagsang-ayon at dumiretso na sa kwartong hinanda para sa kanila.





----------------------------------------

Sa gitna ng kanyang pagtulog ay napabalikwas ng bangon si Sagi. Nararamdaman nya ang kakaibang awra sa paligid. Bago pa man sya tuluyang makatayo ay pumasok sa kanyang silid si Lilian na may seryosong mukha. Mukhang dumating na ang mga kalaban.


"Halika na Sagi. Nariyan na sila." Seryosong sabi ni Lilian. Sumunod naman kaagad si Sagi sa kanila. Paglabas nila sa sala ay nakita nila sina Hibiscus at Tulip na hindi mapakali.


"Mag-iingat kayong dalawa." Paalala ni Tulip.


"Huwag nyo ng isipin pa ang mga sibilyan. Kami na ang bahala sa kanila." Dugtong ni Hibiscus.


Pagbukas ng pinto ng bahay ay kaagad na tumambad kina Sagi ang napakalakas na hangin at ulan. Maingay na rin ang mga bubong na nagkakalampagan dala ng malakas na hangin. Nagsasayawan na rin ang mga puno. May nakita pa silang ilang mga yero at mga tangkay ng halaman na nililipad ng hangin. Halos ga-bewang na rin ang baha. Mabuti na lang at nasa itaas na bahagi ang tinutuluyan nila at ang ilang mga kapitbahay kaya ligtas sila sa baha. Ngunit maaring pansamantala lamang iyon. Maaring tumaas ang baha kung magpapatuloy ang malakas na ulan.


"Tara na Sagi, kailangan nating puntahan ang mata mismo ng bagyo. Naroon ang kalaban natin." Aniyang Lilian at hinawakan ang kamay ni Sagi saka sila lumipad paitaas sa himpapawid. Sakay si Sagi ng isang yelo na hugis skateboard na kinokontrol nya upang makalipad sa ere. Mabuti na lamang at hawak ni Lilian ang kamay nya dahil medyo nahihirapan syang lumipad sa ere dahil sa lakas ng hangin. Wala rin syang gaanong makita dahil sa lakas ng ulan at alas kwatro pa lang din ng madaling araw. Wala ring araw na sisikat dahil sa bagyo.


Habang lumilipad ay may napansin si Sagi na papalapit sa kanila. Hindi nya iyon gaanong maaninag dahil sa lakas ng ulan. Tinignan ng mabuti ni Sagi kung ano iyon hanggang sa mapagtanto nya na isa pala iyong puno na nilipad ng hangin.


"Eh?! Lian ilag!" Sigaw ni Sagi na ikinabigla ni Lilian. Napansin na rin nya kanina pa ang papalapit na puno ngunit wala lang iyon sa kanya dahil pwede naman nila iyong hiwain upang hindi tamaan ngunit hindi nya inakalang sisigaw si Sagi. Nabitawan tuloy nya ito. At dahil nahihirapan pa si Sagi na kontrolin ang yeling skateboard nya ay nilipad sya ng hangin paibaba.



"Sagi!"



"Gotcha!"


Nabigla naman si Sagi dahil may sumalo sa kanya mula sa likod. Kaagas nyang nilingon kung sino iyon at ganoon na lamang ang pagkabigla nya ng makita kung sino iyon. Iyong lalaking nakita nya sa waiting shed!




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now