Chapter 12: Comfortable

2.7K 75 0
                                    

Labis na nag-aalala si Leo dahil alas sais na ng gabi ngunit wala pa din sila Sagi. Napa-aga kasi ang uwi nya galing downtown dahil hindi natuloy ang praktis nila Andree. Maging si Lilian ay wala din sa bahay. Kanina pa sya hindi mapakali dahil nakaramdam sya ng di maganda kanina ng maghiwalay sila ni Sagi.

"Tsk! Nasaan ka na ba Sagi? Bakit di ka pa nakakauwi?" sabi ni Leo sa sarili habang paikot-ikot na naglalakad sa sala.

Sa huli ay naisipan na nyang lumabas ng bahay upang hanapin ang pinsan. Paglabas nya ng gate ng kanilang bahay ay natanaw nya si Sagi na naglalakad habang pasan-pasan si Lilian sa kanyang likod.

"Sagi?! Lilian?! Anong nangyari? Bakit may mga galos ka? Anong nangyari kay Lilian?" tanong ni Leo pagkalapit nya sa dalawa.

Bahagya namang ngumiti si Lilian kay Leo.

"Sa bahay na lang natin pag-usapan." sagot ni Sagi at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Si-Sige." naguguluhan man ay agad na sumunod si Leo kay Sagi. Pagpasok sa loob ay agad syang kumuha ng palanggana na may maligamgam na tubig, alcohol at first aid kit.

"Sagi ano ba kasing nangyari?" tanong nya ng makabalik sa sala kung saan doon nya naabutang dahan-dahang ibinaba ni Sagi si Lilian sa sofa.

"Wag kang mag-alala Leo. Ayos lang naman kami." nakangiting tugon ni Lilian.

"Ayos? Pero may mga galos at sugat ka eh."

"Unahin mo nang gamutin ang mga sugat ni Lilian, Leo. Ayos lang ako. Hindi naman ako napuruhan eh. Ang weird nga ng pakiramdam ko kasi parang biglang nawala ang sakit ng katawan ko Kahit na medyo napalaban kanina at binuhat ko pa si Lilian."

"Yun ay dahil ng alisin ko ang tubig na bumasa sa damit mo kanina ay ginamot na din kita. Inalis ko lang ang sakit ng katawan mo." Lilian

"Eh? Ginamot mo na ako? Kaya pala. Hindi na din masakit ang mga sugat ko." nahihiwagaang sabi ni Sagi habang sinisipat ang mga galos sa kanyang katawan.

"Napalaban?! Kung ganoon nga ay tama ang pakiramdam kong may nangyari ngang hindi maganda!" Sabi ni Leo at lumapit na kay Lilian upang linisin ang mga sugat at galos nito.

"Salamat, Leo, pero mamaya ay mawawala na din naman ang mga yan eh."-Lilian

"Hindi pwede. Kung papabayaan natin ang mga sugat mo ay baka magkaroon ng impeksyon."

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now