Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe

1.3K 45 3
                                    

Unti-unti ng pasikat ngayon ang haring araw. Makikita naman si Lilian na nakatayo ngayon sa bubungan ng bahay nila na tila inaabangan ang pagsikat ng araw. Mataman syang nakatingin sa pag-akyat ng araw sa kalangitan.

Si Sagi naman ay kasalukuyan pa ring natutulog. Kakagising lang naman ni Leo at kaagad syang nag-ayos ng sarili para maghanda ng agahan dahil paniguradong ngayong araw ay balik sa training ang kanyang pinsan. Patapos na si Leo sa pagluluto ng agahan ng bumaba si Sagi ng kusina at naka-ayos na rin ito.

“Magandang umaga, Leo.” Bati ni Sagi sa sa kanyang pinsan.

“Magandang umaga din Sagi. Si Lilian? Hindi pa ata sya bumaba.”

“Itatanong ko pa nga lang sana kung nakita mo ba sya. Kumatok na ako sa kwarto niya pero walang sumasagot kaya tinignan ko na kaso wala naman sya.”

 

 

“Nandito ako.” Napalingon naman ang magpinsan kay Lilian na kakapasok lang ng bahay.

“Saan ka galing, Lian? Huwag mong sabihing nagsimula ka na kaagad ng exercise?” tanong ni Sagi kay Lilian at naupo na sya sa hapagkainan.

“Hindi. Wala muna tayong training ngayong araw. Kailangang tipirin natin ang ating lakas para mamaya.” Seryosong wika ni Lilian.

 

“Tipirin ang lakas? Bakit Lilian may mangyayari ba mamaya?” tanong ni Leo at tumigil sandali sa kanyang gianagawa.

“Anong ibig mong sabihin, Lian?” tanong ni Sagi ng may pagtataka sa kanyang mukha.

“Mamayang gabi…ay sasapit muli ang gabi ng pulang buwan.” Tugon ni Lilian sa magpinsan at tinitigan ng maigi si Sagi.

“Eh?! Tama! May eclipse nga pala mamaya!” bulalas ni Leo at naalala niya ang nangyari noon kay Lilian ng magkaroon din ng eclipse.

“Kung ganun…yung nangyari noon sayo Lian ay mauulit? At pati na rin sa akin ay may epekto na rin ang eclipse dahil nasa akin na ang water element.”

“Ganoon na nga.” Bakas sa boses ni Lilian ang pangamba dahil maaring  samantalahin ng mga kalaban ang mangyayari mamaya

Napayuko naman si Leo at tinapos na ang pagluluto. Sobra siyang nag-aalala para kina Lilian at Sagi. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa oras na umatake ang mga kalaban ng walang kakayahan ang dalawa na makipaglaban. Ayaw niyang mapahamak ang dalawa.

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon