Chapter 3: Unknown Visitor

5.5K 178 9
                                    

Tatlong araw na ang lumipas mula nung naganap ang Blue moon. Hindi na iniisip pa ni Sagi ang tungkol sa babae sa lawa at napansin din nyang Hindi na din nya napapanaginipan ang babaeng tumatawag sa kanya. Naisip tuloy nyang dala nga lang talaga siguro ng stress at imahinasyon ang babaeng nakita nya. Ngayon ay balik na sya sa normal na Sagi.

*whistles*

"Okay na yang warm up. Ngayon, maghanap na kayo ng makakapareha nyo para sa activity na gagawin natin. Boys and girls ang pairing ha." sabi ng P.E teacher ng class IV -A.

P.E class nila at nasa gymnasium sila ngayon. Outdoor activities ang topic nila, pinapili sila ng kanilang guro kung anong gusto nila. Napagkasunduan ng klase nila na maglaro ng isang karera with a twist. Ang track ng mga manlalaro ay may ibat ibang obstacle na kailangang iwasan hanggang sa marating nila ang dulo. At ang twist, nakapiring ang mga manlalaro at gagabayan sila ng kapareha na nasa gilid ng track na magbibigay sa kanila ng direksyon. Ang kailangan lang gawin ng tatakbo ay makinig ng maigi sa kanyang kapareha.

Dahil tatlumpo sila sa klase ay nagkaroon ng 15 na pares.

"Leo, pwede bang ikaw na lang ang partner ko?" pag-aaya kay Leo ng kaklase nilang si Nikka.

"Sure! Basta ba lalakasan mo yung boses mo para di ako mabangga haha". Leo

"Aba syempre naman. akong bahala sayo hahaha".-Nikka

"Sagi, may kapareha ka na?"-Jin

"Wala pa nga eh. Nakakatakot kasing mamili"-Sagi

"Ha?" takang tanong ni Jin. Hindi nya maintindihan kung anong punto ni Sagi. Saka lang nya naintindihan ng tignan ang direksyon kung saan nakatingin si Sagi. Nag-tatalo kasi ang ilan nilang mga kaklaseng babae kung sino sa kanila ang dapat makapareha ni Sagi.

"Ibang klase ka talaga, Sagi"-napapailing na sabi ni Jin

"Baka kasi mag-away sila kung ako ang pipili kung sino sa kanila, mamaya nyan mag-isip sila ng kakaiba sa mapipili ko."

"Haaay...teka sandali...tutulungan kita."

"Huh?"-Sagi

Nagpalinga linga si Jin para maghanap ng kaklase nilang wala pang kapareha. Nakita naman nya ang kanilang class president na naghahanap pa din.

"Ah! Alam ko na! Ms. President!"

"Huh? Bakit Jin?" tanong nito ng lapitan sya ni Jin

"May kapartner ka na ba?"

"Ha?! Tinatanung nya kung may kapartner na ba ako? OMG aayain nya ba ako na making partner nya. Kinikilig ako >_____<" Yan ang nasa isip ni Marianne.

"Ah, wala pa eh."

"Tamang tama! Ikaw na lang ang partner ni Sagi, safe kasi kung ikaw eh hehe. Paano Sagi, case close. Sige, maghahanap na ako ng partner ko."

*sound of breaking glass* </3

"Salamat, Jin. Galingan natin Ms. Marianne ah."

"Okay..."malamyang sabi nito habang ang mukha ay di maipinta at parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ahmmm. Okay Lang ba sayo na makapartner ako? kung ayaw m-" ngunit pinutol agad ni Marianne ang sasabihin ni Sagi.

"Ah! Naku hindi okay lang Sagi. Wag mo akong pansinin ehehe" awkward na sabi nito.

"Sige...sabi mo eh".

Nagsimula na nga ang laro at maingat naman sa bawat hakbang nila ang mga lalaki sa paglakad nila sa track. Halos mapaos naman ang mga babae sa kakasigaw ng direksyon sa kanilang partner.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now