LOTBML Facts

1.5K 43 5
                                    

LOTBML Trivia and Facts(names)!  :)

#1: ang original plot at story line ng LOTBML ay tungkol at umiikot dapat sa mga alamat, mito, kakaibang mga storya at superstitious beliefs. Pero dahil hindi pa ako ganun kasigurado sa storya ay hindi ko tinuloy (hindi naman kasi pumasok sa isip ko na maisusulat ko pala ito or maipapublished, wala pa namang wattpad noon eh. High school pa kasi ako noon ng maisip ko ang LOTBML at wala pa talaga syang maayos na title) at hindi ko na maalala kung paano napunta sa mga elemento at kalikasan ang bagong plot nito.

#2: Sagi at Leo Heartfelt. Obviously, nakuha ko ito sa mga constellations. Mahilig kasi ako sa astronomy kaya ganyan. Nakakatawa nga kasi nauna pang magkaroon ng pangalan si Leo kaysa kay Sagi. Nang maisip ko na Leo ang pangalan ng pinsan ay naisipan kong gawing constellation na lang ang pangalan ng bida para somehow related talaga sila sa isa't isa. At Sagitarrius ang napili ko kasi cool pakinggan at yun lang ang pwedeng gamiting pangalan bukod sa Leo, Aries at Pisces. Ang surname naman nilang Heartfelt ay hango sa pangalan ni Black cat-Train Heartnet.

#3: ang first three letters ng aking pangalan which is REN means Lily/Lotus in japanese. Pero hindi ito ang dahilan kung bakit Lilian ang pangalan ng water goddess XD. Ang dapat na pangalan ay Leila pero mas nagustuhan ko ang Lilian. Sa original plot at story ay tinatawag ng magpinsan si Lilian na LiLi pero ngayon Lian na ang tawag ni Sagi kay Lilian.

#4: Alstreim. Ang pangalan ng lugar nila Sagi at ng kanilang school. Kinuha ko ito sa username ng author ng isa sa mga sinubaybayan kong gangster/action story sa wattpad-ang Montello High, School of Gangsters. Ang author ay si Siel Alstreim. (Di ko alam kung tama ba pagkaka-spell ko ng first name XD)

#5: ang ibang characters ng LOTBML ay napalitan din ang original name o di naman kaya ay nadagdagan. Ang ilan kasi sa mga characters ay ang mga kaibigan ko at reader din ng LOTBML.

#6: ang pangalan ng mga elemental goddess/keepers ay may pattern. Hehe kapag napakilala ko na ang fire at wind ay sana mapansin nyo kung ano yun.

#7: kung tama ang pagkaka-alala ko...nabuo ang ideya ko ng LOTBML noong minsang pinapanuod namin ng mga kuya ko ang buwan. Full moon noon at brownout kaya nasa labas kami ng bahay na magkakapatid. Nag-uusap din kami noon about mythology, literature and some history (most specially yung mga kakaibang pangyayari) kaya ayun, biglang nag-Pop sa isip ko ang plot ng storya hehe.

Kung may mga tanong kayo about sa story ay wag kayong mahiyang magtanong sa akin. Pwede din kayong magbigay ng mga ideas and opinions. Hindi naman po ako suplada or nangangain eh haha :D

NOTE: Gagawa po ako ng special chapter ng LOTBML, naisip ko yun ng mabasa ko ang story ng ELEMENTS ng aking kaibigan na si Bluscope . Malapit kasi sa isa't isa (somehow) ang both story so ayun hehe. Isa pong crossover ang special chapter. Sa sembreak ko pa yun ipapublish, sana po ay magustuhan nyo iyon.

Sa mga curious kung ano ba'ng story ng ELEMENTS at naisipan kong gawaan ng crossover sila ng aking story ay ini-encourage ko kayong basahin ang story ni bluscope :)

Comment and vote. You can also be my clinique (mas positive kasi ang view nito kaysa sa critique)

Share the word, LOTBML <3

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now