Chapter 36: Fight to Pursue

1.3K 46 9
                                    

“Hindi nakapagtataka na nahihirapan nga si Jasmine kay Bleak, hindi man lang kasi nito magawang makinig sa kanya.” Mahinang wika ni Lilian habang naglalakad sila ni Sagi pauwi.

Pagkatapos kasing maka-alis kanina nina Bleak at ng batang kasama nito ay sinundan din sila kaagad ni Jasmine.

“Psssh. Ang sama ng ugali ng lalaking iyon. Mas malala pa yun sa akin eh. Paano kaya niya nagagawang pagsalitaan ng ganoon si Jasmine? Ibig kong sabihin ay, mahinhin at tahimik lang na babae si Jasmine. Makikita mo sa kanya na isa talaga siyang dyosa, karespe-respeto siyang babae at mahihiya kang pagsalitaan sya ng di maganda o tratuhin ng di maayos.” Mahabang paliwanag ni Sagi.

“Eh? Parang sinasabi mo na dapat na pumayag kaagad si Bleak na makipagkasundo siya kay Jasmine dahil sa dapat siyang mahiya dahil sa isa itong dyosa?” tanong ni Lilian ng may pagkakunot ang noo.

“Oo. Kasi naman, napakamahinahon ni Jasmine magsalita at mabait din. Di maipagkakaila na isa nga siyang dyosa.”

“Kung ganoon…kung ikaw si Bleak ay papayag ka kaagad?” mabagal at medyo mabigat na pagkakasabi ni Lilian habang nararamdaman ang unti-unting pagbabago ng aura nito.

 

“Uhm!” mabilis na tugon ni Sagi ngunit agad siyang napatigil sa paglalakad ng maramdaman ang nakakatakot na aura na nagmumula kay Lilian. “Eh?! huh? Lian?” nakakunot noo niyang tanong na halatang medyo kinakabahan din.

“Sinasabi mo ba Sagi na hindi halata sa akin na isa akong dyosa? O hindi man lang makikitaan ng mga katangian ng isang dyosa?”

 

“Huh?”

 

Sinasabi mo na papayag ka kaagad kung si Jasmine ang iyong dyosa dahil sa katangian niya! At ako, inabot ako ng isang buwan bago ka mapapayag at kinausap ko pa ang buong angkan ninyo! Sabihin mo! Hindi ba ako isang dyosa para sayo?” mababakas ang galit

 

“T-teka! Bakit ka nagagalit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo na mapapayag ka kaagad kung isang mahinahon at mabait na babae ang kakausap sayo eh. Atsaka, eh kasi naman parang hindi ka talaga isang dyosa kung kumausap eh, ang bossy mo kasi eh. Ang iniisip ko kasi na katangian ng isang dyosa ay katulad ni Jasmine.”

 

“Ganoon…” tumatangong tugon ni Lilian habang unti-unting nawawala sa kanya ang nakakatakot na aura. “Puwes, pasensya ka na dahil hindi ko naman ninais na ikaw ang maging meister ko.  Nagkataon lang na ikaw ang itinakda para sa kapangyarihan ng tubig. Kung pwede siguro na makipagpalit ay makikipagpalit ka ano? Kung sabagay, siguro kung ako si Jasmine ay magagawa kong mapapayag kaagad si Bleak sa paraan na ginamit ko sayo.”

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now