Chapter 41: The Suffering of the Meister

1.3K 47 9
                                    

Abala sa paglilinis ngayon sina Lilian at ni Leo ng kanilang bahay. Naisipan kasi nilang mag-general cleaning dahil tatlong araw din sila halos na mawawala dahil pupunta silang magkakaklase sa Sequoia para makapag-enjoy doon at masulit ang kanilang sem break. Si Sagi naman ang nakatoka sa pamamalengke ng kanilang mga dadalhin na pagkain at ilang mga gamit. Sa totoo lang ay si Leo dapat ang mamimili pero nagpumilit si Sagi na siya na lamang para naman makalibot libot siya dahil wala siyang ibang nakikita simula nung nagbakasyon kundi ang kanilang bahay at ang training ground nila ni Lilian. At wala siyang ibang kasama kundi si Lilian, nagsasawa na daw sya sa mukha nito na ikinagalit naman ni Lilian at kamuntikan poa syang parusahan kung hindi sya nagmadaling umalis ng bahay.

“Hmmm…mukhang kompleto naman na itong mga binili ko. Siguro maglilibot na lang ako sandali bago umuwi. Baka mainit pa ulo ni Lian sakin hehe.” Seryoso nung una pero napalitan ng lukot na ekspresyon ang mukha ni Sagi sa huli niyang sinabi.

Nang masiguro niyang kompleto na nga ang kanyang mga pinamili (dahil naiwan kasi niya ang listahan ng bibilhin sa pagmamadaling takas an si Lilian )ay naisipan niyang kumain muna sa malapit na fast food.

Samantala…

*ding* *dong* *ding* *dong*

 

Napatigil naman sa kanyang ginagawa si Leo nang marinig ang pagdoorbell. Naisip niyang baka si Sagi ito ngunit nakapagtataka na magdodoorbell pa ito sa sariling bahay kung kaya bumaba na siya sa pagkaka-akyat sa hagdanan dahil sa pagtatanggal ng agiw.

“Magandang araw.” Nakangiting bati ng babae na nagdoorbell kay Leo nang pagbuksan niya ito ng gate.

“Sino po sila?”magalang na tanong ni Leo sa babae at nginitian din ito

“Ako nga pala si Jasmine. Dito nakatira si Lilian at Sagittarius hindi ba?”

“Ahhh oo.”

“Jasmine!” napalingon naman si Leo nang marinig ang pagtawag ni Lilian sa babae at nakita niya itong naglalakad palapit sa kanila.

 

“Kamusta? Pasensya na kung dumalaw ako ng walang pasabi.” Bati ni Jasmine kay Lilian. salit-salit naman ang tingin ni Leo sa dalawang babae habang nagkakamustahan.

“Ayos lang, naramdaman ko naman ang presensya ninyo ng iyong meister pagkarating ninyo kanina.”

“Te-teka…meister niya? Ibig sabihin ay isa siyang dyosa?” nagulat naman si Leo sa narinig mula kay Lilian. Ang babae pala ay…

“Hehe oo, Leo. Siya si Jasmine, ang Earth goddess.”

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now