Chapter 28: Getting Close

1.3K 45 8
                                    

Alas syete ng umaga at kakapasok pa lang ni Bleak sa kanyang klase. Tulad ng inaasahan at nakasanayan ay nanahimik ang kanina'y maingay niyang mga kaklase sa kanyang pagdating.

Hindi na ito pinansin pa ni Bleak sa halip ay tahimik na lang na na-upo sa kanyang upuan. Kinuha niya sa kanyang bag ang reviewer na binigay sa kanya ng kaklaseng si Kevin at ini-scan ito habang hindi pa dumadating ang kanilang guro. Examination day nila ngayong araw.

Nang mga sandali ding iyon ay nasa paligid lang ng kanilang eskwelahan si Jasmine at ginagampanan ang pagbabantay kay Bleak.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na nila ang pagkuha ng exam ngayong umaga. Lunch break muna at may dalawang exam pa silang tatapusin pagkatapos.

Palabas na ng classroom si Kevin ng mapansing hindi pa rin umaalis ng kanyang upuan si Bleak. Mukhang wala itong balak magtanghalian.

"Ah..a-ano Zach? K-Kamusta ka na? Magaling na ba ang nga sugat mo?" halata sa bosesat kilos nito na kinakabahan siya.

"Huh? Ah, oo. Salamat nga pala sa binigay mong reviewer. Tingin ko ay magiging maganda ang resulta ng exam ko dahil doon." halos walang emosyong tugon ni Bleak.

"T-Talaga? Masaya akong marinig yan! Hehe. Hindi ka ba magtatanghalian?"

"Tingin mo kapag sumabay ako sa mga estudyante na kumain sa cafeteria ay gaganahan ako?"

"Eh? Ah...hehe. Oo nga, sorry." nakayukong sagot ni Kevin. Siguradong maiilang lang si Bleak sa mga tingin ng mga tao sa kanya sa cafeteria katulad ng madalas mangyari.

"Mamaya na lang ako kakain kapag kaunti na lang ang tao sa cafeteria."mahinahong sagot ni Bleak.

"Hehe sige. Mauna na ko Zach."

Ibinaling ni Bleak ang lingon sa bintana ng umalis na si Kevin. Agad namang nilapitan ng kanyang mga kaibigan si Kevin ng makalabas ito ng classroom.

"Kevin! Bakit mo kinakausap si Zach?"

"Tinatakot ka ba niya?"

"Ang lakas ng loob mo ah! Paano mo nagawa iyon?"

"Ha? Ano ba naman kayo? Hehe. Mali lang tayo ng impresyon at akala kay Zach pero mabait naman siya. Mukha lang siyang nakakatakot at seryoso pero matino at maayos siyang kausap. Kung bibigyan lang natin siya ng pagkakataon ay baka makilala natin siya ng maayos at maging kaibigan."

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now