Chapter 51: Silhoutte of a God 2

579 26 3
                                    

"Bakit hindi tayo magbalik tanaw sa nakaraan? Baka sakaling magbago ang iyong isipan?" nakangising wika ni Rigel. Alam nyang sa pagkakataong iyon ay mapapasakamay na nya ang Dyosa ng tubig.

"Teka!!" batid ni Lilian ang kakayahang iyon ni Rigel ngunit nahuli na sya. Lalo pang nagliyab ang mga apoy na nakapalibot sa kanya kasunod noon ay tila bumubuo iyon ng mga imahe.
Pamilyar iyon sa kanya. Alam nya ang kwento sa loob ng mga apoy at sya ang bida roon.

---------------------

"Ina, Ama aalis na po kami." paalam ng tatlong magkakapatid sa kanilang mga magulang na abala sa pagtatrabaho sa bukid. Kinawayan naman sila ng mga magulang bilang tugon.

"Mag-aaral ako ng mabuti para hindi na magtrabaho pa sina ina at ama sa bukid. Atsaka para na rin makatira tayo sa bayan at makabili ng magagandang kagamitan at kasuotan." masigasig na wika ng bunso.


"Aba tama iyan Lucio. Dapat talaga tayong magsipag lahat sa pag-aaral para kina ina at ama." natutuwang tugon ng nakatatanda, si Anton.


"Sang-ayon din ako dyan. Pero di na natin kailangan pa na tumira sa bayan. Masaya naman dito sa sa atin sa bukid. Mababait ang ating mga kapitbahay at sariwa pa ang hangin." saad ng ikalawa at nag-iisang babae, si Serene.


"Ano ka ba ate? Mas masaya sa bayan. maraming mga imprastraktura doon at maraming mga nakakaaliw na bagay. Ayaw nyo bang maranasan ang buhay na may mga teknolohiya?" giit ng bunso.


"Maganda nga roon pero kapag umalis tayo dito malalayo na tayo sa mga kaibigan natin. Isa pa, mahal nina ina at ama ang lugar natin dito."


"Pero mas maganda ang buhay sa bayan. Katulad na lamang ng sa ka-eskwela ko, marami syang mga magagandang laruan at palagi syang naipapasyal ng kanyang mga magulang sa magagandang lugar."


"Bakit mas gusto mo ba ang mga laruang gawa sa plastic kumpara sa pakikipaglaro sa mga kaibigan mo dito? Tsaka naipapasyal naman tayo nina ina at ama diba?"

"Naku wag nyo ng pagtalunan ang bagay na iyan. Lucio, hindi mahalaga ang mga materyal na bagay. Kasi ang mga iyon ay nasisira at madaling mawala. Hindi kagaya ng mga magagandang bagay na makikita mo dito sa atin sa bukid. At Serene, hindi rin naman masama na sumubok tayo ng bago. Sa ganoon, maaari tayong umunlad at mas matuto." awat ni Anton sa mga kapatid. Hindi nakapagtataka na sya nga ang panganay. Tumigil naman na ang dalawa at nagpatuloy na sila sa paglalakad papasok ng paaralan.

"Nais ko lang naman sana na mabigyan si ate ng magandang regalo para sa kaarawan nya bukas. Maraming nagagandang kasuotan sa bayan na tyak babagay sa kanya." mahinang bulong ni Lucio na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng kanyang mga kapatid. Nagkatinginan naman sina Serene at Anton.

"Serene! Magandang umaga! Sa inyo rin kuya Anton, Lucio." napalingon naman ang magkakapatid sa dalawang babaeng sumalubong sa kanila sa unahan ng paaralan. Mga kaibigan at kaklase ni Serene.

"Magandang umaga rin sa inyo." masiglang tugon ni Anton sa dalawa. Nilapitan naman ni Serene ang mga kaibigan.

"Oh sya, magkita na lang ulit tayo mamayang uwian. Mauna na kami sa inyo." aniya ni Anton sa mga binibini at naiba na sila ng daan ni Lucio. Ihahatid pa kasi nya ang kanilang bunso sa klase nito at diretso na rin sya sa sariling klase pagkatapos.

"Sige kuya." tugon ni Serene at nagpatuloy na silang maglakad ng mga kaibigan papunta sa kanilang silid.


"Siya nga pala Serene, anong plano bukas sa kaarawan mo?" usisa ni Jenna sa kaibigan.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now