Chapter 26: Sagi's First Fight

1.7K 52 9
                                    

May hamog pa sa paligid ay makikita ng abala sa training si Sagittarius. Ilang araw din syang hindi nakapagtraining kaya naman ay bumabawi sya ng husto sa mga araw na lumipas.

Maingat na inangat ni Sagi ang tubig at mabilis itong pinaikot sa paligid nya habang pinapanatili ang kontrol sa tubig. Nang makasiguro syang hawak na nya ng maigi ang tubig ay ikinumpas nya paharap ang kanyang kanang kamay kaya naman mabilis na sinundan ng tubig ang dereksyon nito. Napangiti naman si Lilian na kanina pa hinihintay ang pag-atake ni Sagi.

Binuksan ni Lilian ang kanyang nakatikom na kamay at lumabas mula rito ang hugis bilog na tubig na madali ring naging isang matalim na spear. Sakto namang paglabas nito ay ang paglapit sa kanya ng tubig na mula sa pag-atake ni Sagi. Bagamat mabilis ay nagawa ni Lilian na paikutin ng mabilis sa kanyang kamay ang spear na syang humarang sa tubig na palapit sa kanya.

"Eh? Ang daya mo naman, Lian! Bakit ka gumamit ng armas?" inis na reklamo ni Sagi.

"Anong madaya? Hindi ah. Tingin mo kung sakaling totoo nga akong kalaban ay hahayaan kong atakihin mo na lang ako? At di man lang gagawa ng paraan para protektahan ang sarili ko?"

 

"Psssh. Oo na, alam ko naman." nakasimangot na sagot si Sagi.

"At isa pa, sa training na ito ay susukatin natin ang consistency ng paghawak at pagkontrol mo sa tubig. Kung gaano katibay ang konsentrasyon mo. At base sa nakikita ko ay unti-unti mo ng nagagawa iyon ng maayos. Naramdaman ko ang bigat ng pagragasa ng tubig na pinakawalan mo kanina nang sanggain ko iyon. Magaling ang ginawa mo."

 

"Haaay. Mabuti naman. Sige, ipagpatuloy na natin." napangiti naman si Sagi sa kanyang narinig mula kay Lilian. Natutuwa sya dahil nag-iimprove sya kada training nila.

Nagtagal din ng halos dalawang oras ang kanilang training. Natuwa naman ng husto si Lilian sa kinalabasan nito dahil di mahirap turuan si Sagi at mabilis ang improvement nito. Pasikat na ang araw ng tumigil silang dalawa upang mag-agahan.

"Haaaaayyyyy~~ Nakakapagod~~" daing ni Sagi at pabagsak na humiga sa damuhan. Nandito sila sa isang malawak na damuhan sa may gilid ng isa sa mga malaking footbridge sa Alstreim. Magandang lugar para magtraining dahil sa malawak na espasyo at sa presensya ng tubig.

Bago pa sila magsimula ng training kanina ay binalot na ni Lilian ng kakaibang shield ang paligid upang walang makakita sa kanila.

"Ito, Sagittarius oh." abot ni Lilian ang isang sandwich kay Sagi.

"Hmmm? Thanks. Ito pala yung laman ng dala mong basket?" tanong ni Sagi at sinimulan ng kainin yung sandwich.

"Oo. Naisip ko kasi na dito na din tayo mag-agahan pagtapos magtraining para pag-uwi natin sa bahay ay mag-aayos na lang tayo para sa pagpasok sa school." paliwanag ni Lilian habang pinagtitimpla ng gatas si Sagi.

*munch* *munch* *gulp* "Haha tamang-tama kasi nagugutom na din talaga ako eh. Kawawa naman si Leo, wala siyang kasabay ngayong mag-agahan." at kinuha na niya ang gatas na tinimpla ni Lilian para sa kanya.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now