LOTBML 2ND ARC

838 29 8
                                    

"In fairness naman araw-araw kang humuhusay sa pagkontrol sa iyong kapangyarihan, Sagi. Kaunti na lang mapeperpekto mo na ito." Natutuwang puri ni Lilian kay Sagi. Naglalakad silang dalawa papasok ng eskwelahan. Nauna na si Leo sa kanilang pumasok dahil nagtraining pa sila kanina.

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng bumalik si Lilian at balik na muli sa normal ang lahat. Gayunpaman ay mas tumindi naman ang mga pagbabanta sa buhay ng kanyang meister. Lalo na at nagagawa na nitong kontrolin ang kanyang kapangyarihan at magamit ang buong potensyal nito sa laban.

Ngunit batid pa roon ay may isa pa marahil na dahilan kung bakit mas lalong nag-igting ang kagustuhan ng mistress na makuha si Sagi. Makailang beses kasing nagtangka ang mga kalaban na kidnapin ito. At iyon ay dahil sa kakaibang reaksyon ng kapangyarihan ng tubig kay Sagi. Tila ba may sariling isip ito na sumusunod sa kagustuhan ni Sagi. Parang ito mismo ang lumalaban at pumuprotekta sa kanya at hindi dahil sa pagkontrol ng meister. Isang klase ng elemental amplification na hindi nila malaman kung bakit nangyayari tuwing nakikipaglaban si Sagi. Nangyayari lamang ang amplification kung hindi kaya ng meister ang kapangyarihan na hawak nya at kung may matinding koneksyon sya sa elemento. Ngunit sa kalagayan ni Sagi ay malinaw na hindi sya ganoong malapit sa tubig. Isang malaking palaisipan kay Lilian kung ano nga bang nangyayari sa kapangyarihan ni Sagi.

"Aba dapat lang talagang gumaling pa ako lalo, sa araw-araw ba naman nating training. Isa pa, palaging umaatake ang mga kalaban. Dapat akong maging handa palagi na makipaglaban sa kanila." Tugon ni Sagi. "Tsaka kung hindi ako makikinig sa mga sinasabi mo sa akin palagi baka umalis ka na naman." May halong pang-aasar at tampong pahabol ni Sagi.

"Eh?! Hindi na nga ako aalis ulit!" Depensa ni Lilian na hanggang ngayon ay naguguilty pa rin sa mga nangyari. Natawa lang si Sagi sa reaksyon ni Lilian.

"Biro lang! Tara na nga baka ma-late pa tayo." Hinawakan ni Sagi ang kamay ni Lilian at patakbo silang pumasok sa eskwelahan.

--------------------

Sa bayan ng Sequoia...

Pagtunog ng bell ng paaralan ay kaagad na nagligpit si Bleak ng kanyang mga gamit. Nang masigurong maayos na ang kanyang mga gamit ay tumayo na sya at naglakad palabas ng eskwelahan.

Katulad ng dati ay kusang nagbibigay ng daan ang mga estudyante sa tuwing nakikita si Bleak kaya hindi na sya nahirapang makalabas kahit na madalas ay puno ng estudyante ang hallway tuwing uwian.

Hindi kalayuan sa eskwelahan nila ay may isang coffee shop. Madadaanan iyon ni Bleak pauwi. Ngunit ngayong araw ay may kakaiba sa coffee shop na iyon. Hindi naman kasi iyon napupuno ng tao ngunit ngayon ay napakahaba ng pila doon.

"Anong meron? Napakarami atang tao ngayon dun sa coffee shop? First time ata na pinipilahan ito ah." Komento ni Bleak sa kanyang isip at hindi na sana nya pa iyon titignan pa ngunit may pamilyar na boses ang tumawag sa kanya mula sa coffee shop.

"BLEAK!!"

Kaagad na napahinto si Bleak sa paglalakad at kunot noong lumingon sa pinagmulan ng boses.
Nagkataon naman na ang mga customer ng shop ay mga estudyante ng kanilang eskwelahan kaya maging sila ay nabigla sa pagtawag sa pangalan ni Bleak. Kilala sya sa eskwelahan dahil sa kamaldituhan nito at sa unang pagkakataon ay narinig nilang may tumawag sa pangalan nito.

Mula sa nagkukumpulang mga tao sa pinto ng shop ay pinilit ni Jasmine na makalabas at kumaway kay Bleak. Nakita naman sya nito at bakas sa mukha nito ang pagtataka at pagkabigla. Tumakbo si Jasmine palapit kay Bleak pagkalabas nya ng shop. Suot nya ang isang cute na maid outfit.

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon