Chapter 27: Lover

1.7K 48 13
                                    

"Leo, nasaan si Lian?" tanong ni Sagi sa pinsan ng makababa siya sa kusina at naabutan itong naglilinis doon. "Tiningnan ko na sa kwarto niya pero wala."

"Nagpaalam siyang may pupuntahan daw siya ngayong araw. Di nga lang nya sinabi kung saan at kung anong oras sya makakauwi." kibit balikat na sagot ni Leo habang patuloy sa kanyang ginagawa.

"Ganun? So wala akong training ngayong araw?... YEEEESSSS!" tuwang-tuwang bulalas ni Sagi.

"Tingin ko ay pagpapahingahin ka din muna ni Lilian. Simula kasi noong natapos kayo sa club activity ninyo at sa Intrams ay umaga't hapon kayong nagte-training para makabawi."

"Oo nga. Tinanghali tuloy ako ng gising ngayon." =3=

"Sige na, mag-almusal ka na diyan. May lakad din kasi akongayon."

"Ha? Lakad? Saan? Pwedeng sumama?"

"Haha sunod-sunod talaga ang tanong? Well, pwede ka namang sumama. May lalakarin lang akong mga papers sandali tapos pwede na rin tayong mamasyal pagkatapos."

"Thanks! Kakain lang ako."

--------------

"Hahaha, nakakatuwa naman pala si Miming. Napaka-bibo niyang pusa." tumatawang sabi ni Lilian habang naglalakad sila sa kalsada ni Stewardson.

Magkasama sila dahil nangako si Lilian na tutulong sa pag-aasikaso ng Tree planting activity ng Ecology club ng kanilang academy.

"Haha. Pero kahit na makulit iyon at pasaway minsan ay malambing naman siya. Madalas nga akong magising sa gabi kapag nararamdaman kong sumisiksik sya sa bandang leeg ko eh. Tumatabi siya sa akin sa pagtulog."

Nang nga sandali ding iyon...

"Para saan ba yang mga papel na nilalakad mo Leo?"

"Ahm, hindi ko din sigurado kung ano ba talaga ito eh." napapakamot sa ulong sabi ni Leo. "Pinaki-usap lang ito sa akin ni Mommy. Nandito daw kasi yung mga main branches na pagpapasahan at pagkukuhanan ng mga papeles. PagkaTapos, ipapadala ko na ito sa kanya ulit."

"Ahhh.." habang sila'y naglalakad na magpinsan ay napahinto si Sagi sa paglalakad at nagpalinga-linga sa paligid.

"Ano yun, Sagi?"

"Ewan...sandali lang..." putol ni Sagi sa kanyang sinasabi at patuloy na nagpalinga-linga sa paligid na tila may hinahanap na kung ano.

"Ano na naman ba kasi yang nanyayari sa'yo?"

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon