Chapter 45: Back to School

1.2K 42 6
                                    


Araw ng lunes at ngayon ay balik na muli sa pagpasok sa kanilang mga eskwelahan ang karamihan sa mga estudyante. Natapos na kasi ang kanilang sembreak.


Tahimik na naglalakad ang magpinsang Heartfelt at si Lilian sa hallway papunta sa kanilang silid. Kapansin pansin na sa kanilang paglakad ay sinusulyapan at sinusundan sila ng tingin ng mga estudyante. Magkasama kasing naglalakad ang tatlo na kinikilala bilang mga sikat at hinahangaang estudyante sa kanilang paaralan. Si Leo na kilala sa pagiging mabait na estudyante, si Sagi na isa sa mga matatalinong estudyante at running for valedictorian at si Lilian na hinahangaan, mapababae man o lalaki sa taglay nitong mala-dyosang kagandahan.


"Nakakailang naman ang maglakad ng maraming nakatingin sayo. Bakit parang habang tumatagal ay dumadalas ang ganitong eksena tuwing umaga?" tanong ni Lilian sa magpinsan. Halata sa kanya na hindi sya komportable sa paglalakad.


"Masasanay ka din sa kanila." maikling tugon ni Sagi na di man lang nilingon ang kausap.


"Hehe ayos lang iyan, Lilian. Wala namang masama sa pagtingin-tingin nila sa atin eh. Ganyan lang talaga sila dahil erm...humahanga kasi sila sa atin." napapakamot sa ulong tugon ni Leo.


"Mga normal na estudyante lang din naman tayo. Well, maliban sa akin at kay Sagi."

Ilang sandali pa ay narating na nila ang kanilang silid at sinalubong sila ng pagbati ng kanilang mga kaibigan na abala sa pagtingin sa mga litrato nila noong nagbakasyon sila sa Sequoia.


"Good morning Constellation cousins! Sayo din, Lilian." masiglang bati ni Bonn sa kanila.


"Good morning." bati ng magpinsan sa kanilang mga kaibigan.


"Magandang umaga din." nakatinging bati ni Lilian sa kanila pabalik.


"Ito nga pala iyong mga litrato natin doon sa beach at sa festival." wika ni Nicka at inabot sa tatlo ang mga litrato.


"Aba, ang dami pala nito. Nakakatuwa naman at may mga litrato tayo ng lahat ng mga pinuntahan at ginawa natin noong bakasyon." masayang wika ni Lilian habang tinitignan isa-isa ang mga litrato.


"Oo nga. Maasahan talaga si Andree pagdating sa mga ganyan." wika naman ni Ansha at nginitian si Andree na bahagyang ikinapula ng mga pisngi nito.


"Ehehehe salamat." nahihiyang tugon ni Andree.


"Ano bang dapat sa asahan sa isang photo journalist na si Andree? Ahahaha." dugtong ni Nicka.


"May mga kuha din pala dito sina Bleak at Jasmine. Ayos lang ba kung hihingi ako ng kopya nito para maibigay sa kanila?" tanong ni Lilian nang makita niya na may mga kuha ng litrato and dalawa na magkasama.


"Sure, Lilian no problem. Kinuhaan ko talaga sila kasi napansin ko na madalas talaga silang magkasama at di mapaghiwalay."


"Syempre dahil binabantayan ni Jasmine si Bleak. Or shall I say na si Bleak ang nagbabantay kay Jasmine hehe~" bulong ni Sagi at tinignan din ang mga litrato ng dalawa ng may nakakalokong ngiti.

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon