Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)

1.2K 45 14
                                    

tracy_galapon, cams004, Nhicks7_, rheasalenga13, enelrahszedlav, clidyz25, markyshake, ZereFFire, MsBengBeng28, p_jham, enajogram, sha-aztah, BlueDragon_24, tinao13, thessa27, BlueLover91, Thea2015, SanNyIsmael, JohnRonaldCaliwara, melrose29, CrisLily_Collins, ermanbelches9, FioriCrystal18, cjrl41822, franciannepawang, wonderplastic, sherleneclave, heartmagic08, laguna_krizzle22, MechanicalGirl16, ruzelampoan, Ydiehxz, princejepoy.

Haha ayan…gusto ko pong magpasalamat sa inyo ng bongang-bongga! Super thankies sa mga flood votes, sa pagfollow, at sa pag-add ng LOTBML sa reading lists ninyo. ^.^/ Sa mga di ko po nabanggit, sorry po hehe. Magreklamo na lang kayo sa comment or pm nyo na lang ako hahaha.  Soon nasa dedic na kayong lahat.

At syempre thank you din sa mga kaibigan ko na patuloy na sumusuporta ng LOTBML mula pa sa pinaka-umpisa. Salamat salamat.

Hindi pa po matatapos ang LOTBML, matagal pa po hehe, halos nasa umpisa pa lang po tayo. Pasensya na po if natagalan na naman ako mag-UD sobrang busy lang po talaga. Napakaraming kailangan ipraktis at sabay-sabay pa. kailangan ko na talaga ng clone =____=. Pang-unawa lang po sana hehe. Malapit na rin naman na magbakasyon, magiging regular na ang UD ko nun hehe.

Enjoy reading mga Meisters!

-------------------------

“Tigilan na natin ang larong ito!” Sigaw ni Jasmine at nagpakawala ng isang malakas na atake kay Procyon.

“Tama ka dun, Jasmine. Itigil na natin ang larong ito at isuko nyo na sa akin ang inyong mga meister.” Nakangising tugon ni Procyon na walang hirap na sinagga ang atake ni Jasmine.

“Paumanhin ngunit hindi ko pahihintulutan ang bagay na iyan. *EARTH SMASH!*” inilapat ni Jasmine ang kanyang mga palad sa lupa at umangat ang lupa sa kanyang harapan na korteng isang malaking palad na mabilis at mabigat na bumulusok upang daghanan si Procyon.

“Haaaayy~ Matigas ang ulo ninyo talagang mga Dyosa. Gusto niyo pang masaktan kesa daanin ito sa usapan. Kailangan nyo lang namang isuko ang inyong mga meister at tapos na ang lahat ng ito.*EARTH,S FIST!* nabalot ng makakapal na bato at lupa ang buong braso ni Procyon atsaka siya tumalon paitaas upang salubungin ang malaking palad na pabagsak sa kanya.

Nang mga sandali ding iyon…

“Hindi pa ba tapos ang labanan?” tanong ni Bleak habang nililibot ang tingin sa paligid na ngayon ay sirang-sira na.

 

“Water prinress, maari niyo bang gamutin si Sagi? kailangan ko pang tulungan si Jasmine na tapusin ang Procyon na iyon. Pakibantayan na din sana ang Earth meister at ang batang kasama niya.” Ibinigay ni Lilian sa mga prinrees si Sagi at kaagad siyang nawala sa paningin ni Bleak upang puntahan si Jasmine.

 

“Ang babaeng iyon.” isip-isip ni Bleak habang nakatanaw sa lugar kung saan nagmumula ang mga pagsabog. “ang pagiging isang meister…” sambit niya ng tingnan ang walang malay na si Sagi habang ginagamot ito ng mga prinrees.

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon