Chapter 32: Being a Meister

1.3K 44 10
                                    

Hapon at oras na ng uwian ng mga estudyante ng Alstreim Academy. Sa mga oras na ito ay may ilan pang mga estudyante ang nasa paaralan dahil sa paglilinis ng kanilang mga classrooms at ilang mga gumagawa ng club activities o di naman kaya ay practice ng mga kasali sa varsity ng Academy.

Tahimik na nakaupo si Lilian sa isa sa mga bench na nandoon sa mini forest di kalayuan sa building ng kanilang year level. Hinihintay kasi niya si Sagi na cleaner ngayon pati na din si Leo na nasa library para sa kanilang assignment.

"Yes! Sa wakas! Ilang araw na lang sembreak na!! Yahoooo!~~"- masayang bulalas ni Bonn habang nag-aayos ng mga upuan.

"Uhm, tama ka Bonn. Naeexcite na rin ako. Makakapagpahinga na rin tayo sa school works."-Ansha

"Pahinga? Saan sa dami ng mga pina-assignment sa atin ang pahinga? Nakakainis talaga. Bakasyon nga pero may mga gawain pa din tayo."- nakasimangot na wika ni Nicka at humalukipkip pa.

"May mga plano ba kayo sa bakasyon?"- tanong ni Jin na nakatayo sa may pinto ng kanilang classroom.

"Wala pa naman."-Ansha

"Pag-usapan natin sa susunod kung anong pwede nating gawin sa bakasyon."-Marianne

Kasabay ng mga sandaling iyon ay kausap ni Lilian si Stewardson.

"Lilian, salamat ulit sa pagvolunteer mo dun sa tree planting activity nitong nakaraan."-Stewardson

"Walang anuman iyon. Basta tungkol sa pangangalaga sa kalikasan ay maasahan mo ako. Kung sakaling may activity kayo ulit ay sabihan mo ako."-Nakangiting tugon ni Lilian.

"Walang problema. Ito nga pala, certificate of appreciation para sa pagvolunteer mo. Pasasalamat namin sayo. Pasensya na kung natagalan hehe."- nakangiting wika ni Stewardson at iniabot kay Lilian ang certificate na nakalagay sa isang frame.

"Aba! Maraming salamat."- tuwang-tuwang wika ni Lilian.

"Ahm...Lilian..."-medyo alanganing wika ni Stewardson.

"Hmmm? Ano iyon?"

------

"Sige! Mas maganda siguro kung pupunta tayo ng beach!"- excited na bulalas ni Nicka

"Hahaha kakasabi lang ni Marianne na sa susunod na lang natin pag-usapan ang gagawin natin eh."-medyo awkward na sabi ni Ansha.

"Hahahaha" natawa si Jin sa sobrang pagka-excite ni Nicka nang matanaw niya sina Lilian at Stewardson na nandoon sa mini forest. "Huh? Magkasama na naman sila?"

"Sino yun Jin?"- tanong ni Marianne nang narinig niya ang sinabi ni Jin dahil malapit lang sya rito.

"Ah..hehe sina Lilian at Ste kasi magkasama ulit."-sagot ni Jin. Tyempo namang narinig ni Sagi ang sinabi ni Jin ng mapadaan sya sa tabi nito nang makabalik siya sa kanilang classroom mula sa pagtapon ng mga basura.

"Ano yun? Sina Lian at Stewardson ulit?"- nakakunot noong tanong ni Sagi at lumapit sa may malaking bintana ng hallway.

Sa di malamang dahilan ay nag-init ang ulo ni Sagi ng makita na magkalapit ang mukha nina Lilian at Stewardson.

"ANONG?!..-" di na tinapos ni Sagi ang sasabihin at walang paligoy-ligoy na tumalon ng bintana upang lapitan ang dalawa.

"WHAT THE?!!"- gulat na bulalas ni Jin ng biglang tumalon si Sagi sa bintana.

"HHHHHUUUUHHH??!"- maging si Marianne ay nagulat din sa inakto ni Sagi. Tumalon ba naman mula sa third floor ng building nila.

"BAKIT TUMALON SI SAGI?!"-nag-aalalang sabi ni Ansha at nagsilapitan din sila sa may bintana.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now