Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness

2.9K 83 6
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nang tumira si Lilian sa bahay ng magpinsan.

Sa ngayon ay wala namang kakaibang pangyayare sa pang-araw araw na buhay nila. Wala ding nararamdamang kakaiba si Sagi sa katawan nya. Kung meron man ay hindi nya alam, maaring hindi nya napapansin o Hindi pinapansin.

Papasok na sa eskwela ang magpinsan. Malapit na sila sa Alstreim Academy ng biglang huminto si Sagi sa paglalakad.

"Huh?"-Sagi. Nagpalinga-linga ito sa paligid na tila may hinahanap.

"Bakit Sagi? May nakalimutan ka ba sa bahay?" tanong ni Leo kay Sagi. Kanina pa talaga nya napapansin na lingon ng lingon si Sagi at tila hindi mapakali.

"Huh? Ah...wala naman. Hehe pasensya na may iniisip lang. Halika na." nagpatuloy na silang dalawa sa paglalakad. Sa huling beses ay nilingon ni Sagi ang paligid. Pakiramdam nya kasi ay may nagmamasid at sumusunod sa kanila.

-----------------

Physics class na nila ngayon at tahimik na nakikinig ang klase nila Sagi sa kanilang guro. Hindi naman sinasadyang mapalingon ni Sagi sa bintana. Isang anino ng babae ang nakita nyang naka-upo sa malaking puno na malapit sa building nila. Hindi nya maklaro kung sino ang babae dahil nahaharangan ang mukha nito ng sanga ng puno. Nagulat na lang sya ng tumayo ang babae sa sanga at ngumiti pa ito sa kanya bago tumalon pababa ng puno. Dahil doon ay hindi sinasadyang mapatayo si Sagi.

"What is it Mr. Heartfelt, do you have any concern with the discussion?"

"Ah..ahm. Yes Sir. I am just a little bit confused about the process of radioactive decay."

"Yes Sir. It's a little bit confussing." dugtong naman ng isa pa nilang kaklase.

"Okay then, I'm going to repeat it again and I hope that it will get clearer to you this time."

"Thank you Sir."

Bago tuluyang maupo ay tiningnan muna ni Sagi ang puno. Samantalang napalingon naman sa kanya si Ansha na nakaupo sa unahan. Batid kasi nitong hindi naman dahil sa discussion ng guro ang dahilan ng pagtayo nito.

"Sagi..."

Samantala...

"Kung ganun ay ang batang yan pala ang bagong Water Meister?"

Wika ng hindi kilalang binibini. Napakaganda nito ngunit tila nababalot ng kakaibang aura ang kanyang pagkatao.

Prente itong naka-upo sa isang eleganteng upuan at nakatingin sa isang malaking salamin na nadedesenyuhan ng iba't ibang palamuting bato at ginto.

"Opo. Sya nga. Ang pangalan nya ay Sagittarius Heartfelt."

"Ang ganda naman ng kanyang pangalan. Bagay sa kanyang gwapong mukha. Sayang nga lang ahahaha."

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now