Chapter 50: Silhouette of a God

987 37 3
                                    



"Bakit...ganito ba talaga matatapos ang lahat? Wala na ba akong magagawa? Ni wala pa nga ata ako sa kalahati ng kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa kung ano ba ang mga naghihintay sakin sa misyong pinili ko. Mamatay na ba ako?"



------------------------------

"Rigel!" Hindi magawang makakilos ni Lilian sa kanyang pwesto dahil sa kung anong kapangyarihan ang may hawak sa kanya ngayon. Hindi nya inasahan na sya ang makakaharap nya ngayon.

Si Rigel ay isa sa mga malalakas na tauhan ng Mistress. Ikalawang bituin kung tawagin kasunod ni Procyon. Bukod sa kanyang taglay na elemento ng apoy at hangin ay may kakayahan din syang manipulahin ang oras at paligid. Nakakagawa sya ng ibang dimensyon sa loob ng totoong mundo.

Sya rin ay dating nasa panig ng kabutihan. Ilang daang taon na rin, bago pa lamang si Lilian sa pagiging Water Keeper. Sa huli nilang laban ng mga panahong iyon ay nagawa ng Mistress na kunin ang loob ni Rigel at mapa-anib sa kanila, ang isa sa mga naging mabuting dyos na naging tapagsanay ng noong mga dating Keeper ng apoy at hangin (hindi pa sina Crocus at Camellia). Naging sandigan din sya ni Lilian ng mga panahong iyon na hindi nya pa tuluyang nauunawaan at naisasapuso ang pagiging isang keeper. Si Rigel ang nagbigay ng kaliwanagan sa kanyang isip sa kahalagahan ng misyon nya sa kalikasan.


"Dyosa ng tubig...matagal na mula nung huli tayong nagkita." Pormal na pagbati ni Rigel sa kanya.

Tila nagbabalik ang ala-ala ni Lilian sa dating guro sa paraan ng pagbati nito sa kanya. Kung hindi lamang sa anyo nitong malayo na sa nooy maaliwalas at nababalot ng liwanag ay baka naluha na sya. Malaki ang respeto nya sa taong nasa kanyang harapan ngunit batid nyang matagal na iyong wala mula nang umanib ito sa Mistress at nagtraydor sa kanilang kaharian.

"At hindi ako natutuwang makita kang muli."  Mapait na tugon ni Lilian. Masakit para sa kanya na maalala pa ang pagtataksil nito.

"Ganyan ka na ba bumati sa dati mong guro?" Dismayadong wika ni Rigel.


Lalo namang nag-igting ang galit kay Lilian sa pinapakita sa kanya ni Rigel. Anong karapatan nitong ipaalala ang mga iyon at banggitin ang pagiging guro nya. Isa na lamang itong hamak na traydor.
"Matagal na syang patay. Mula ng tanggapin nya ang kamay ng Mistress!!" Galit na tugon ni Lilian. Nilabas na ni Lilian ang kanyang tunay na anyo bilang isang dyosa at nagawa nyang makawala sa hindi pagkakakilos.


"Ang sakit namang marinig nyan mula sayo. Naparito pa naman ako upang hikayatin ka, Serene." Nakangiting wika ni Rigel. Alam nya ang buong pagkatao ni Lilian. Ang dati nitong pagkatao.

Nanginginig sa galit ang katawan ni Lilian at nilabas ang kanyang Spear. Wala syang oras na alalahanin ang nakaraan. Kaagad nyang sinugod ang kalaban.

"GRAAAAAHHH!!"

"*FIRE BREATH!*" binugahan ni Rigel ng malakas na apoy ang palapit na si Lilian ngunit maliksi nya itong naiwasan. Tumalon si Lilian saka ito nag-enchant.

"*CYCLONE!*" lumabas sa dulo ng Spear ni Lilian ang malakas na pwersa ng umiikot ma tubig papunta kay Rigel.

Hindi naman natinag si Rigel sa atake ni Lilian. Tinaas nya ang kanyang mga kamay at naglabas rin ng malakas na apoy upang kontrahin ang Cyclone.

Parehong malakas ang binitiwan nilang mga atake na lumikha ng pagsabog. Nagkaroon ng makapal na usok sa paligid. Kaagad namang naalerto si Lilian ng makaramdam ng isa pang pag-atake mula sa kalaban. Nahawi ang mga usok sa paligid dahil sa malakas na pwersa ng hangin.

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon