Chapter 1. The Lady

10.6K 244 18
                                    

July 31, 2015

Alstreim Academy

----------------------------

Vacant period ngayon ng Class IV-A.


Abala sa kani- kanilang mga gawain ang mga estudyante. May mga nagre-review para sa exam nila bukas, may mga nagdadal-dalan, naglalaro sa kanilang mobile phones o tutok sa mga social media accounts at may ilan namang nakatambay lang sa labas ng silid.


Kapansin-pansin ang isang binatilyo na tahimik lang na nakaupo sa kanyang upuan at nakatanaw lang sa bintana sa bandang likuran ng silid.


" Pssst! Pssst!" Agad napukaw ang pansin ng binata sa taong sumitsit sa kanya.



"Hmmm? Bakit Leo?" Tanong nito sa lalaking nakaupo sa harapan ng katabi nyang upuan.



"Kanina ka pa kasi tahimik dyan eh. Ayos ka lang ba Sagi?"



"Oo. Medyo masama lang ang pakiramdam ko" Sagot nito na may kalakip na ngiti.



"Masama ang pakiramdam mo?! Gusto mo dalhin na kita sa clinic?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kausap.



" Eh?! hindi na, ayos lang ako. Ang ibig kong sabihin medyo wala lang ako sa huwisyo ngayong araw. Pakiramdam ko parang meron akong hinahanap. Basta hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon! Hayyyys! Ewan!" Tugon ni Sagi at ginulo-gulo pa ang kanyang buhok. Nabigla naman si Leo dahil ngayon lamang nya nakitang ganito ang pinsan.



"Wag kang mag-alala Sagi! I feel you!" Bigla namang sumulpot sa kung saan ang kaklase nilang sina Bonn, Jin at Andree.



"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot sa kung saan Bonn?! At bakit kailangan mo pang sumigaw?!" Medyo mataas ang tono ng boses na tanong ni Sagi. (pronounced as Sa-Gee)



"Hehe~~ Diba sabi mo pakiramdam mo meron kang dapat hanapin? Ako din kasi, ganyan din ang nararamdaman ngayon" Proud na sagot naman ni Bonn. Napaface palm naman ang kasama nito sina Jin at Andree.



"Ang ibig lang talagang sabihin ni  Bonn ay gusto nyang makita kung totoo ba yung alamat ng babae sa lawa" Pag-spoil naman ni Jin sa dapat sana'y sasabihin ni Bonn.



"Bakit mo naman ako inunahan Jin?!" Yamot na bulyaw ni Bonn.



"Pinapatagal mo pa kasi eh" Kibit balikat na tugon ni Jin.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now