Chapter 21: Lilian the Popular

1.5K 55 3
                                    

Ilang araw din ang lumipas mula ng pumasok si Lilian ng Alstreim academy. Mabuti naman at naging maayos ang mga pangyayari sa kanyang pag-aaral. Instant celebrity nga sya eh, hindi lang dahil sa ganda niya kundi dahil sa magandang performance na pinapakita nya. Ngunit kahit na ganoom ay hindi pinababayaan ni Lilian ang pagsasanay nila ni Sagi. Dahil sa likas na mapagtuklas at madaling matuto ay natutunan na ni Sagi ng maigi ang pagkontrol sa tubig bagamat hindi pa iyon ganoon kapulido. Nauunawaan naman iyon ni Lilian.

"Nakapagreview ka na ba, Sagi? Malapit na ang exam natin ah." tanong ni Leo habang naglalakad sila papasok ng academy. Silang dalawa lang ang sabay na pumasok dahil nauna na si Lilian kanina dahil sa cleaner ito ngayong araw.

"Ahm...nakapag scan na ako ng mga lectures at topics natin nitong nakaraan pero wala pang maayos na review. Wag kang mag-alala dahil hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko kahit na nag-eensayo kami ni Lian." sagot ni Sagi.

Nagpatuloy naman sila sa paglalakad ng makita ang isang kapwa estudyanteng tumatakbo palapit sa kanila.

"Leo! Mabuti at nandito ka na. Pinapatawag ka kasi ni Sir. Pedrito para sa contest mo eh." sabi ng lalaki ng makalapit ito sa kanila.

"Ha? Siguro ay para sa schedule ng contest iyon. Sige halika na. Sagi, una ka na sa room." Leo at umalis na sila ng lalaki.

"Okay."

Malapit na si Sagi sa building ng fourth year students. Agad naman niyang napansin ang tumpok ng maiingay na estudyante. Halos lahat dito ay mga kalalakihan.

"Ano namang kaguluhan ito?" bulong nya sa sarili. Magpapatuloy na sana sya sa paglalakad ng may tumawag sa kanya.

"SAGITTARIUS!!!"

"Huh?!!!" nagulat siya sa tawag na iyon. Isa lang naman ang tumatawag sa kanya ng buong pangalan niya.

Paglingon niya ay nakita niya sa gitna ng tumpok ng mga tao si Lilian na tumatalon at kumakaway sa kanya. Napataas tuloy ang kilay niya. Anong ginagawa doon ni Lilian? Alam niyang sikat na ito sa eskwelahan pero di niya inaakalang pagkakaguluhan ito ng ganun kalala.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Sagi sa mga lalaking nakapalibot kay Lilian.

"Oy! Yung running for valedictorian." sabi ng isa sa mga lalaki.

"Grabe ka naman, Heartfelt! Sikat ka na dito. Wag ka ng maki-agaw kay Ms. Alesana!"

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon