Chapter 17: Sad Flower

1.8K 51 7
                                    

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na lubayan mo ako?" bakas sa mukha ni Bleak ang sobrang pagkairita sa babaeng kaharap.

"Eh, s-sandali lang kasi Bleak. Pakinggan mo muna ang paliwanag ko." mahinahon ngunit may kaunting takot na sagot ni Jasmine.

"Tsk! Wala akong panahon na makinig sa'yo. Lubayan mo na ako." lalo lang syang nainis sa narinig mula sa babae. Ang lakas ng loob nitong tawagin sya sa pangalan nya samantalang hindi naman sila magkakilala. Bukod pa doon ay yun naman ang palagi nitong sinasabi sa kanya. Nagpatuloy na sya sa paglalakad.

"Paki-usap. Sandali lang." sinundan naman ni Jasmine si Bleak.

"Sino ba ang babaeng ito at laging nakasunod sa akin?! Nakaka-inis na ah." bulong ni Bleak sa sarili at tumakbo na upang hindi na sya masundan pa ng babae. Isa pa ay malapit na rin na mag-alas syete y media, baka malate na sya.

"Teka~~" hinihingal na pahabol ni Jasmine ng tuluyan na ngang mauna si Bleak. "Naku naman. Araw araw na lang kaming ganito. Bakit kasi hindi nya muna ako pakinggan. Haaaay." nakasimangot na sabi ni Jasmine sa sarili habang tinatanaw ang tumatakbong si Bleak.

Limang minuto na lang at magsisimula na ang klase ng makarating sa kanilang eskwelahan si Bleak. Hinihingal pa sya at lumingon sa likod upang masiguradong hindi nga sya nasundan ng babae kanina.

Bagamat mag-o-oras na ay marami pa ring estudyanteng naglalakad sa pasilyo papunta sa kanilang mga silid-aralan. Kapansin-pansin na hindi sila komportable sa paglalakad. Tila ba parang may nakakatakot na nilalang ang biglang dumating at natahimik silang lahat. Lahat sila ay nagsitabi at nagbigay daan sa taong iyon- si Bleak.

Napabuntong hininga na lang si Bleak, palagi namang ganito eh. Hindi nya maintindihan kung bakit ang O.A ng mga tao dito sa eskwelahan niya. Wala naman syang ginagawang masama pero takot na takot sa kanya ang lahat. Gayunpaman ay pabor na rin iyon sa kanya. Ayaw kasi nya na makisalamuha sa iba.

Pagdating ni Bleak sa kanyang classroom ay nagtsi-tsek na ng attendance ang kanilang guro.

"Villanueva?"

"Present Sir!"

"Zachary?"

"Present." kalmado nyang sagot ng makapasok sya sa loob ng silid. Ito na naman ang kakaibang reaksyon ng kanyang mga kaklase kapag dumadating sya.

"Ah, mabuti naman at naka-abot ka pa, Mr. Zach. Sige, sisimulan na natin ang klase."

Habang nasa classroom nya si Bleak ay maigi naman syang binabantayan ni Jasmine mula sa rooftop ng katapat na building.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now