Chapter 58: GIULIA'S GRIEF

358 23 11
                                    


     Tahimik na ang buong paligid habang naglalakad pauwi si Sagi mula sa paghatid kay Giulia sa dorm nito. Mukhang nasa kahimbingan na ang mga tao. Malamig ang gabi pero tila kakaiba ang pag-ihip ng hangin ngayon. Sandaling huminto si Sagi at nakiramdam sa paligid.

"Guni-guni ko lang siguro." Bulong ni Sagi at nagpatuloy na sa paglalakad ng pagkakuwan ay nakaramdam na lang sya ng sakit sa kanyang katawan. "Argh!*" daing ni Sagi at napaluhod sa sakit. Tila ba may tumutusok sa kanyang dibdib.

"Magandang gabi, water meister!"


     Bati ng isang lalaki kay Sagi. Nag-angat sya tingin at nakita nya ang isang lalaki na nakatingin sa kanya. May dala itong isang malaking maso.

"*Argh!* tsk! Hindi pala iyon guni-guni." Pinilit ni Sagi na tiisin ang sakit at tumayo. "Hindi na siguro maganda ang gabi kasi nagpakita ka ngayon. Hindi maganda ang timing mo, pauwi na kasi ako para magpahinga." Inis na wika ni Sagi.

"Ah nagkakamali ka." Napakunot noo si Sagi sa narinig. " Sakto nga lang ang dating ko para maihatid na kita pauwi. Hinihintay ka na ng mistress." Sandaling napaatras si Sagi.

"Pasensya na pero may sarili akong bahay. Hindi ko kailangang umuwi sa mistress ninyo." Giit ni Sagi at inilabas ang kanyang gladiolus.

"Naku naman. Ayaw ko sanang makipaglaban sa iyo. Makinig ka na lang at sumama para hindi na tayo matagalan. Hindi matutuwa si mistress kung dadalhin kita sa kanya na nag-aagaw buhay." Nakangising wika ng lalaki at pinaikot ikot ang dala nitong maso sa kanyang kamay.

"Uulitin ko. Hindi ako interesado na umuwi sa mistress nyo." Diniinan ni Sagi ang paghawak sa kanyang gladiolus at initake ang lalaki.

Hindi pa sya halos nakakalapit ng inihagis ng lalaki sa kanya ang maso nito na parang isang boomerang. Mabuti na lamang at naiwasan nya iyon kaagad.

"*CRYSTAL DAGGERS!*" nag-enchant si Sagi bilang pag-atake pero sinangga lamang iyon ng armas ng lalaki.

"Hindi mo ako matatalo sa mga ganyang walang kwentang encantations! *FLAME FURY!*" gumanti ang lalaki ng isang encantation. Ang Flame furry ay isang fire encatation na lumalabas sa dalawang palad bilang malaking bola ng apoy na kumakalat o lumalaki kapag malapit na sa target nito.

Naalerto kaagad si Sagi at muling mag-eenchant ng humarang sa kanyang harapan si Catleya.

"*DANCE OF WATER FAIRY!!" Tila may sariling buhay ang mga tubig na sumasabay sa kumpas ng kamay ni Catleya at sumasayaw sa mabilis na ritmo. Parang isang latigo na pinapatay ang apoy ng flame fury.

"Aba! Isang dyosa! Kung ganoon ay napalitan na pala si Lilian." Nasorpresa na wika ng lalaki pagkakita nito kay Catleya.

"Catleya!" Tawag ni Sagi sa babae at nilapitan ito.

"Mapanganib ang lalaking ito. Lubhang malakas ang elemento ng apoy na hawak nya. Kinakailangan nating magtulungan para matalo natin sya." Napatango naman si Sagi sa sinabi ni Catleya.


"Humanda ka na Sagi! Aatake na sya ulit!"

Hindi inasahan ni Catleya ang pag-atake iyon ng lalaki. Huli na para umatras pa sya, nagawa man nya pero naabutan pa rin sya nito.




*BOOOMMM!!*


Napatakip si Sagi ng kanyang mga mata dahil sa usok at mga alikabok na dala ng pagsabog. Nang mawala ang usok ay kaagad na hinanap ng paningin ni Sagi si Catleya.


Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now