Chapter 5: How do I call this day?

4.3K 107 5
                                    

"Haaaayyy..." hindi na ata mabilang ni Sagi kung ilang beses na ba syang humikab. Naglalakad-lakad sya ngayon sa labas, bahala na kung saan sya dadalhin ng kanyang mga paa. Inaya nya si Leo kanina na gumala pero may importante daw itong aasikasuhin kaya mag-isa lang sya ngayon.

Gusto lang nyang magpahangin at magliwaliw sandali. Pakiramdam kasi nya ay parang pagod na pagod sya nitong nakaraan. Dagdagan pa ng paglitaw ng babae na nakita nya sa lawa. Hindi nya talaga maipasok sa isip ang mga sinabi ng babae, may parte sa kanya na naniniwala sa mga sinabi nito sa kanila kahapon pero kasi hindi lang nya iyon mahanapan ng sense of reality. Normal lang siguro na maging ganito ang reaksyon nya dahil anak sya ng modernong panahon at ang mga ganoong kwento ay maririnig at makikita mo na lang sa mga fiction novels o movies.

"Parang wala din namang silbi itong paglalakad ko. Gusto ko nga sanang magliwaliw kaso hindi ko alam kung saan magandang pumunta at hidi ko pa kasama si Leo. Kung aayain ko naman sila Jin paniguradong may kanya-kanyang gawain din ang mga iyon. "

Naglibot libot na lang si Sagi sa buong Central Plaza. Madaming mga tao dahil sabado. May mga pamilyang namamasyal, may nagdi-date, mayroong mga estudyanteng gumagawa ng mga group activity o nagpapa-praktis para sa group performance at mga senior citizen na nag-e-excercise. Maya-maya pa ay nakaramdam sya ng gutom kaya naisipan nyang kumain muna sa isang pastry shop na nakita nya habang naglalakad.

"Good morning, Sir." bati agad sa kanya ng waitress pagpasok nya sa loob. Ibinigay din nito sa kanya ang menu. Umorder din sya agad. Habang naghihintay ay siniyasat nya ang buong lugar. Maayos at maganda ang architectural design, pati din ang theme at color, magagalang din ang mga waitress, di nakapagtatakang marami silang customer sa loob.

"Here's your Boston cream pie rollwich and taro pearl milk tea, Sir"

"Thank you"

Nagsimula na syang kumain at nagustuhan nya talaga ang pagkain, mukhang babalik sya dito sa susunod at isasama na nya si Leo. Gayunpaman, binabagabag pa rin ang isip nya ng mga sinabi ng babae na nakalimutan nya ang pangalan.

Pagtapos kumain ay naisipan nyang pumunta ng downtown area, siguradong marami syang makikita at magagawa doon.

"Hindi naman siguro totoo ang mga yun. Pero paano ko naman maipapaliwanag yung kakayahan nyang kontrolin ang tubig pati na din yung pagpapakita nya sa panaginip ko pagtapos ko syang makita sa lawa. Haaaay...may parte sa akin na nagsasabing totoo ang mga iyon ayoko lang sigurong tanggapin. EH PAANO KO NAMAN KASI YUN PANINIWALAAN?! NAKAKAINIS!!"-halos sabunutan na nya ang sarili sa kakaisip,buti na lang at walang masyadong tao sa paligid kundi mapagkakamalan pa syang baliw.

"Sinabi ko naman na sa'yo diba? Hindi mo matatakasan ang responsibilidad na binigay sa'yo ng kalikasan. Bakit ba kasi kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo sa kakaisip samantalang pwede ka namang makinig na lang sa akin at tanggapin ang tadhana mo?" bigla namang sumulpot si Lilian sa harap nya. Ang totoo ay kanina pa nya pinagmamasdan mula sa malayo si Sagi.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now