Chapter 33: Incantations

1.1K 41 7
                                    

“Pasensya na po talaga kayo sa nagawa ng anak kong si Sagi nitong nakaraan. Hindi naman po niya iyon sinasadya, may nararanasan lang po talagang kakaibang pagbabago sa katawan niya ang anak ko kaya naman ay masyado siyang nagiging pabigla-bigla sa pagkilos. Hindi naman po niya gustong gumawa ng gulo dito sa Academy.”

 

 

 

“Nauunawaan ko po Mrs. Heartfelt.  Mabait naman pong bata si Sagittarius at isa siya sa mga outstanding students ng academy. Nabigla lang po kami sa ginawa niya. Siguro po ay mabuti kong ipa-counsil natin siya nang sa gayun ay matulungan natin siya sa kung ano man po ang nararanasan niya ngayon.”

 

 

“Ah! Hehe ang totoo po niyan ay nag-a-undergo na niyan si Sagi. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi na po mauulit ang nangyari. Hindi ba, Sagi?” nakangiting baling ng mama ni Sagi sa kanya. Nandito sila sa loob ng Principal’s office at pinag-uusapan ang ginawa ni Sagi na pagtalon mula sa third floor ng kanilang building. Mabuti na nga lang at mahinahon na ang kanyang mama dahil halos nagpa-panic itong dumating sa kanilang bahay kaninang umaga dahil sa pinatawag ito ng kanilang principal. Napakalma lang ito ng si Lilian ang magpaliwanag sa kaniyang mama ng nangyari at ng dahilan ng kanyang nagawa.

Ang totoo niyan ay kanina pa gusting sumimangot ni Sagi sa pag-uusap ng kaniayng mama at ang kanilang principal dahil parang ang lumalabas sa usapan ay may behavioral disorder syang nararanasan.

“Opo, mama. Pasensya na po kayo hindi na po talaga iyon mauulit.”

_________

“Naku, Sagi anak, mag-iingat ka naman. Kinakabahan ako sayo eh.” Nag-aalalang sabi ng mama ni Sagi sa kanya ng naglalakad na sila sa hallway ng academy.

“Opo.” Nakasimangot na tugon ni Sagi sa kanyang ina.

“Oh? Bakit ka nakasimangot diyan?”

 

 

 

“EH kasi po parang sinabi niyo sa principal kanina na may sakit ako.”

 

 

“Hahaha pasensya ka na, anak. Hindi naman kasi natin pwedeng sabihin na dahil yan sa kapangyarihan mo eh”

 

 

“Haaaay~~ tama po kayo. Sya nga po pala, mama, mahaba nap o ang buhok ko. Pwede nyo po ba akong gupitan ng buhok mamaya?”

 

 

 

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now