Chapter 52: Pain

792 41 15
                                    

"Sagi...imulat mo ang iyong mga mata."



Hindi mabatid ni Sagi kung ano na ang nangyayari sa kanya sa mga oras na ito. Wala na ang sakit na iniinda nya mula sa mga natamong sugat at pinsala sa laban nila ni Spica. Hindi nya alam kung nasaan ba sya. Mainit ang paligid ngunit hindi nakakapaso. Tila ba nakakaginhawa at nakakagaan ng pakiramdam ang init na iyon. Napakakomportable.
Napangiti si Sagi ng mapait. Natalo sya ni Spica. Hindi nya nailigtas si Leo. Wala syang napatunayan sa pagiging isang meister. At mukhang sa kabilang buhay na ang punta nya ngayon.


"Sagi...Sagi...imulat mo ang iyong mga mata."



"Huh? Sino yan?" tanong ni Sagi dahil parang kanina pa ata sya kinakausap ng tinig na iyon.



"Ako ito...ang Inang Kalikasan. Ang nagmamay-ari sa iyong kapangyarihan."



"Inang kalikasan? Pasensya na po kayo. Hindi ko nagawa ang tungkulin ko."




"Nagkakamali ka anak."




"Ano pong ibig nyong sabihin? Paanong mali?"




"Hindi pa dito nagtatapos ang pakikipagsapalaran mo bilang isang meister. Bilang aking magiting na tagapagtanggol. Ngayon pa lamang magsisimula ang lahat."



"Paano ko po iyon magagawa? Mahina po ako."



"Hindi ka mahina. Maniwala ka. Magagawa mo ito. Karapat-dapat kang Water Meister. Kailangan ka ng kalikasan."



"Ako? Karapat dapat ba talaga ako?"



"Oo anak. Sige na. Imulat mo ang iyong mga mata at tanggapin muli ang kapangyarihan ng kalikasan."


"Sige. Sa pagkakataong ito hindi ko na po kayo bibiguin."


"Alam ko iyon anak. Kailanman ay hindi ninyo ako bibiguin. May tiwala ako sa inyo. Sya, humayo ka na at si Lilian, ang iyong dyosa. Kailangan ka nya. Ikaw ang makakapagbigay ng kaliwanagan sa kanya. Ikaw lamang ang makapag aalis sa kanya sa kalungkutan."




"Si Lian?"



"Iligtas mo ang iyong dyosa."

------------------

"Serene, dahil sa kanila kaya ka nasasaktan. Nilayo ka nila sa iyong pamilya." umaalingawngaw ang bulong na iyon sa isip ni Lilian habang paulit ulit na nagbabalik sa kanyang isipan ang mapait na nakaraan.



"Kung hindi dahil sa kanila, masaya ka pa rin sana ngayon kasama ang iyong pamilya. Natupad mo pa sana ang iyong mga pangarap para sa kanila." marahang nahawi ang mga apoy sa paligid ni Lilian at dahan dahan syang nilapitan ni Rigel.


"At hindi mo na rin sana nasaksihan pa ang kanilang paghihirap, kalungkutan at pagpupursigi sa buhay. Maging ang kanilang pagpanaw habang ikaw ay walang magawa at sa malayo lamang nakamasid at hanggang ngayon ay patuloy pa ring nabubuhay." tuluyan ng napaluha si Lilian sa sakit na nararamdaman. Kahit ilang libong taon na ang lumipas. Hindi pa rin nya malimutan ang kanyang pamilya at ang kanyang paghihinagpis na mapalayo sya sa mga iyon. Kung hindi nga sya naging isang dyosa aty naging masaya sana ang kanyang buhay sa piling nila.

"Sumama ka sakin, Serene...umanib ka sa amin at magsilbi sa Mistress...sinisigurado ko sayo na aalisin nya ang sakit at hinagpis ng pangungulila. Tulungan mo kaming tuparin ang minimithing bagong mundo! Kung saan magkakaroon ka ng pagkakataong makasama muli ang iyong mahal na pamilya sa ikalawang buhay!" panghihimok ni Rigel kay Lilian at inalalayan itong tumayo. Patuloy pa rin ang pagluha ni Lilian habang nakatingin sa kamay ni Rigel na nakalahad sa kanya, tila hinihintay ang kanyang magiging sagot. Halos wala namang mabasang emosyon sa mga mata ni Lilian.




Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon