Chapter 15: Last Normal(?) Day

2.2K 62 2
                                    

Maaliwalas na araw at ngayon ay nasa eskelahan sina Sagi at Leo. Medyo inaantok pa nga sila dahil sa madaling araw sila umalis sa kanila kanina pauwi ng Alstreim. Tuwang-tuwa naman si Leo ng malamang pumayag na si Sagi na maging isang meister.

"Good morning"-Nicka at lumapit sya kay Ansha na nakaupo at nagsusulat sa kanyang notebook.

"Good morning din, Nicka."-Ansha

"Hi Guys and Gals! Ohayo guzaimasu~~" masiglang bati ni Marriane na kakapasok lang ng silid sa buong klase kahit na kakaunti pa lang silang naroon. Kitang-kita sa nagnining-ning nitong mga mata ang di maitagong kaligayahan.

"Wooah! Ang saya ni Marriane ah. Ano kayang meron?"-Nicka

"Oo nga eh. Bakit kaya?"-Ansha

"Hi Nicka, hi Ansha."-Marianne

"Hi."-Ansha

"Happy ah...anong meron?"-Nicka

"Anong meron?" ulit na sabi ni Marianne at sandaling naglakbay ang kaluluwa sa mundo ng pantasya XD in short, daydream.

"Okay lang ba sya?" medyo nag-aalalang tanong ni Ansha habang awkward na nakatingin kay Marianne.

"Mukhang may ideya na ako sa mga nangyayari ah."

"Haaay...alam nyo ba... Inaya ako ni Jin na lumabas bukas dahil walang pasok?! Yiiiiiih ME IS SO KINIKILIG~~"

"Tsk! Tsk! Sinasabi ko na nga ba eh. Ano na naman kayang misunderstanding ito?" napapailing na tanong ni Nicka sa isip.

"Talaga Marianne?!" masayang tanong ni Ansha.

"Oo! Kanina lang nya ako inaya. Pag-gising ko kaninang umaga ay iti-next nya ko. Uwaaah, ayoko na ngang pumasok para makapag-shopping ng susuutin ko bukas eh. Ano kayang magandang suutin? Tska kulay? Pati na rin yung ayos ng buhok ko? Nicka, ano bang trending ngayon--"

"Tama ng ako. Malamang hindi nya binasa ng maayos yung text ni Jin. Tsk!"-Nicka

"Haha ako din inaya ni Jin eh." nakangiting sabi ni Ansha.

Lady of the Blue Moon LakeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu