Chapter 25: Sagi's Weird Feelings

1.5K 51 4
                                    

"Good morning" nakangiting bati ni Stewardson kay Lilian ng maabutan niya itong nakatayo malapit sa garden ng kanilang club.

"Ah! Ikaw pala Stewardson. Good morning din sayo." nakangiting tugon ni Lilian kahit na bahagya siyang nagulat.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Natuwa kasi ako ng magpunta tayo dito kahapon kaya naisipan kong pumunta dito ngayon."

"Talaga? Haha. Gusto mong pumasok sa loob ng green house?"

"Pwede ba?"

"Oo, kasama mo naman ako eh." at lumakad na sila papasok ng green house.

"Wooooow! Ang ganda at ang lulusog ng mga halaman. Mukhang ginagampanan mo talaga ng mabuti ang tungkulin mo sa inyong club ah?"

"Dahil din yan sa mga kasama ko sa club at sa mga gardeners din ng academy. Noon pa lang ay ganito na talaga kaganda dito sa loob. Pinaghirapan din itong alagaan ng mga dating club officers." napapatango naman si Lilian bilang tugon habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Gusto mong magdilig din?" tanong ni Stewardson habang inaayos ang hose at watering can.

"Sure!" excited namang lumapit sa kanya si Lilian. Sinadya pa nitong mahawakan ang kanyang kamay ng kinuha nito ang hose sa kanya.

"Kaya pala...malaki ang pagkakahawig ng kanilang mga itsura at aura...ang lalaking ito pala ay mula sa linya ng pamilya ni Ruwen."

"Ahm, wala bang ibang mga officers na pupunta? Ikaw lang ba ang gagawa ng mga gawain dito?"

"Hindi naman. Mamaya pa sila. Inagahan ko lang talaga dahil ako ang naka-toka sa pagdidilig ng mga halaman."

"Akala ko ikaw lang mag-isa eh." sagot ni Lilian at nagdilig na ng mga halaman. Patuloy naman sya sa pagsulyap kay Stewardson na nakatayo sa may gilid lang niya at nag-aayos ng mga halaman.

"Bakit Lilian? May problema?" tanong ni Stewardson ng mapansing nakatingin sa kanya si lilian.

"Ah! Napapaisip lang ako na nag isang lalaking katulad mo ay interesado sa ganitong mga bagay."

"Well, nasa pamilya na kasi namin ito eh. Mahigpit kasing bilin ng kalolo-lolohan namin na pahalagahan at alagaan ang kalikasan. Ang lahat ng mga kabataan sa pamilya namin ay tinuturuan ng ganoong values."

"Sigurado ako na si Ruwen ang tinutukoy niyang ninuno. Kahit pala ng iwan ko na siya ay patuloy niyang isinabuhay at pinakatandaan ang mga tinuro ko sa kanya."

"Masaya din naman ako sa ginagawa ko eh."

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now