Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit

1.3K 46 8
                                    

Tatlong araw na lang at Sem-break na nila Sagi kaya naming halos wala ng klase ngayon ang mga estudyante. Ang ilan sa mga estudyabte ay nagpapakabusy na lang sa kanilang mga club activities, ang ilan naman ay para sa kanilang mga sinalihang varsity sa academy, at yung iba ay ginagawa ang kanilang mga assignments at projects na dapat sana ay gagawin nila sa bakasyon.

Nakatambay ngayon sa rooftop ang magkakaibigan at pinag-uusapan kung ano ang magandang gawin sa bakasyon para ma-enjoy nila ito.

“Uuwi ba kayo sa inyo, Leo sa sembreak?”- Bonn

“Huh? Ahm…ewan ko lang. ngayon siguro ay baka hindi.” Alanganing sagot ni Leo dahil totoong hindi niya siguradong makaka-uwi sila sa kanila dahil baka magtraining lang si Sagi sa bakasyon.

“Maganda siguro kung pupuntahan natin yung bagong tayong themepark sa may Arabale. Malawqak daw doon at maganda.”- suhestiyon ni Bonn sa mga kaibigan.

 

“Masyadong malayo yung Arabale dito sa Alstreim, Bonn.”-Sagi

“Halos tatlo hanggang apat na oras lang naman ang layo noon dito sa atin kung sasakay sa express train eh.”

 

 

“Nakakapagod naman at baka gabihin tayo doon. Mapa-ano pa tayo. Baka bigla na lang huminto yung mga rides doon o di kaya ay maulit yung nangyari kay Sagi na kamuntikan na syang mahulugan ng shuttle ng perris wheel. O di naman kaya ay tumirik yung sinasakyan natin sa daan sa gitna ng madilim na kalsada at may darating na mga zombies o kaya ay lalaking pangit ang mukha na may hawak na chain saw!!”- sabi ni Nicka na parang excited pa sa mga kinukwento niyang masasamang bagay na pwedeng mangyari sa kanila.

“Kyaaaaaaahhh!! Tama na Nicka!” natatakot na sigaw ni Ansha habang nakatakip ng tenga.

“Sobra ka naman mag-isip, Nicka. Sabi ko sayo tigil-tigilan mo panunuod ng wrong turn eh.” Saway ni Jin kay Nicka na natatawa sa reaksyon ni Ansha.

“Hehe wag kang matakot, Ansha. Nagbibiro lang naman si Nicka.” Pagpapagaan ni Sagi sa loob ni Ansha.

“Ayaw ko kasi sa mga ganun eh. Natatakot talaga ako.” Nakayukong sagot ni Ansha.

“Wag kang matakot, hindi naman tayo pupunta ng Arabale dahil masyadong malayo at hindi naman totoo yung mga pinagsasasabi ni Nicka.” Nakangiting sabi ni Sagi habang ginugulo ang buhok ni Ansha. Nanatili namang tahimik si Ansha kaya ipinatong ni Sagi ang ulo nito sa kanyang balikat at dahan-dahang hinimas ang ulo nito na ikinataas naman ng kilay ni Lilian at ikinasimangot naman ni Andree.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now