Chapter 49: Truth Revealed

704 27 7
                                    


"Jinn!!"

"Oh, Leo? Bakit?" Tanong ni Jinn habang naglalakad papunta sa kanilang silid upang tawagin si Sagi.

"Ako na lang ang tatawag kay Sagi hehe. Sumunod ka na lang sa kanila sa clinic." nakangiting tugon ni Leo kahit na sa loob-loob nya ay hindi sya mapakali.

"Ah okay sige. Bilisan nyong dalawa ah."

"Sure." Tinapik ni Jinn ang balikat ni Leo saka naman ito naglakad papuntang clinic. Kaagad namang tumakbo si Leo. "Sagi, sana ayos ka lang."

-------------
"Spica...isa kang..." naguguluhan si Sagi sa nangyayari. Paanong nangyaring bigla na lamang nagbago ang anyo ni Spica. Wala syang kahit anong naramdamang kakaiba mula sa babae mula sa una at hanggang kanina na magkausap sila. Isa ba talaga syang kalaban?

"Nagulat ka ba Water meister?" Nakangising wika ni Spica.

"Bakit ganun? Wala akong kahit anong nararamdamang kakaiba sa iyo. Paano nangyari ito?" Buong pagtatakang nakatitig si Sagi kay Spica. "Teka hindi kaya...Sabihin mo sakin! Nasaan ang tunay na Spica?!" Tanong ni Sagi. Imposible namang wala syang naramdaman man lang na kahit ano sa buong panahong nakasama nila si Spica. Wala ring nababanggit si Lilian tungkol sa mga kalaban. Maaring kinuha ng mga iyon si Spica at nagpaanggap lang ang kaharap nya ngayon.

"Ahahaha~ Pinapatawa mo ako Meister! Ako at wala ng iba ang sinasabi mong tunay na Spica. Bakit hindi mo tanungin ang iyong Dyosa tungkol dito? Halata kasing wala syang sinasabi sayo." Mababakas ang pang-uuyam sa pagsasalita ni Spica. Napaisip naman si Sagi sa mga sinabi ng babae. May alam si Lilian sa mga nangyayari. Pero bakit wala itong sinabi sa kanya. Ano bang nangyayari talaga?

"Kaya lang baka hindi mo na rin magawang magtanong...dahil paniguradong hawak na sya ni Rigel. Hahahaha~~"


"Ano?! Pati si Rigel?" Nagulat si Sagi nang bigla na lamang nagdilim ang paligid. "Ano ito?!"




"Hihihihi~~ magsisimula na ang kasiyahan!"


-----------------

Nang dahil sa pagdilim ng paligid ay nagkaroon ng pagpapanic sa buong paaralan. Nag-iyakan ang mga babae at ang ilan naman ay nagsitakbuhan. Hindi naman malaman ng mga guro kung paano pakakalmahin ang lahat sa mga nangyayari dahil pati sila ay binabalot din ng takot.

Samantala, natagpuan na lang nina Ansha at ng iba pa nyang mga kaklase ang kanilang mga sarili sa labas ng clinic kung saan naroon sila sa loob kani-kanina lang. Napansin naman nya na naiwan sa loob si Lilian at nakakaramdam sya ng sobrang lakas na kapangyarihan mula sa loob.

"Teka anong nangyayari?!" Nahihintakutang bulalas ni Marianne. Nanginginig na halos ang kanyang mga tuhod sa takot.


"B-bakit bigla na lang dumilim? Tsaka paano tayo napunta dito sa labas?" Dugtong pa ni Bon.


"Tsk! Masama ito." Mahinang usal ni Ansha. "Halina kayo mabuti pa siguro kung lumabas tayo ng school para malaman ang nangyayari." Mariin nyang wika sa mga kaibigan. Dapat na mailayo nya ang mga ito doon para makasiguro sa kanilang kaligtasan.


"Ha? Pero wala sina Lilian at Arc dito." Naiwan siguro sila sa loob." Pag-aalinlangan ni Nicka.


"Di natin yan sigurado dahil bigla na lang din tayong napunta dito sa labas. Wala tayong dapat sayanging oras tayo na."

Nanibago naman ang kanyang mga kaklase kay Ansha dahil ngayon lamang nila ito nakitang ganun kaseryoso. Madalas kasi ay tahimik ito at medyo mahiyain. Bagamat ganoon ay sinundan nila ito palabas ng eskwelahan. Nakasalubong din nila si Jinn at sumabay na ito palabas. Nahirapan pa sila dahil nagkakagulo ang lahat sa eskwelahan.

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon