Chapter 49

554 14 5
                                    


Dumating lahat ng kaibigan ko. Dito pa nga ang naging reunion namin ng mga kaibigan ko nung college. Ang dami nilang tanong at ang dami din nilang kwento. Sa loob ng pitong taon, hindi sapat ang isang araw para mai-kwento nila lahat ng kaganapan at nangyari sa buhay nila nung umalis ako.

Dumating din ang mga kaibigan ko muna Switzerland at New York. Yung barkada ko sa Switzerland ay kasabay na sa pag-dating ni Emma, para daw makatipid sila.

Ang daming dumating na tao at nakiramay sa pagka-wala ni Lola. At sa loob ng isang linggo na naka-burol siya ay naandito lang si Sev. He postponed every schedule he has and then he just went to Manila to inform tita Lucille on what happened. Hindi na kasi magawa pa nila mommy at daddy ang itext sila tito at tita, kaya si Sev na lang din ang sinabihan nila.

Today is her last day. Sa kada araw yata nakikita ko kung gaano kalungkot si Lolo.

Kasama ko si Sev at kami ang nagbabantay kay lola ngayon, umaga pa naman. Mamaya, panigurado si Lolo ulit ang nakabantay kay lola. Si Zea ay nasa bahay nila at do'n na muna pinatulog sila Emma at ang ibang kaibigan ko mula sa Switzerland. Nasa Manila ang condo ni Emma, at mapapagod lang sila sa pabalik-balik na byahe, buti na lang at pumayag si Zea at si tita na dun na muna sila mag-stay. May dala naman silang mga damit na sakto sa stay nila dito.

"Do you want to go somewhere?" Sev asked me while we were just smiling to those people looking at Lola.

"Where and when?"

"Maybe on Valentines" he said and I then nodded.

After 30 minutes ay lumapit samin ang isa sa mga kuya ko, kasama ang fiancée niya at sinabihan kami na sila muna ang magbabantay at tawag kami ni mommy.

Hinawakan ni Sev ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa labas, kasi andun sila mommy e, kasama nung ibang nakikiramay.

"Mom?" tanong ko nung makalapit na ako sa kanila.

Ngumiti naman ako sa mga kausap ni mommy.

"Punta muna kayo sa mall ni Sev, may ibibigay akong listahan ng mga bibilhin na kailangan din bukas" sabi sakin ni mommy matapos akong kamustahin at inutusan si daddy na kuhanin ang bag niya sa kwarto. Nakita ko naman si Anica na karga ng isa kong tita, at yung ibang bata ay mga naglalaro kasama nung mga batang kasama ng mga nakikiramay.

Agad naman kaming nagpunta ng mall ni Sev at kasama din si Syl na kararating lang ulit galing Manila. Si Noa ay bumisita na din dito, pero saglit lang. Sabi niya babalik na lang daw siya bukas para sa libing ni lola. Sana talaga andito si Atarah, panigurado malulungkot 'yun pagka-gising niya at malalaman niya na wala na si lola at mamomroblema din 'yun dahil sa bigat din ng problema ni Zea.

After buying those in the lists that we can buy in the mall, pumunta naman kami sa Pizza Hut, Krispy Kreme at Jollibee para bumili ng pasalubong. Hinintay muna namin si Syl, bago kami umalis, may binili kasi siya e kaya biglang nawala sa tabi namin kanina.

Kinuha din namin ang mga t-shirts na gagamitin naming lahat bukas. Matapos no'n ay bumili din kami ng flowers; white roses. At bukas kukuhanin pa namin ang mga white balloons, bago mag 9 am.

Nung nakarating na ulit kami sa bahay ay nakita ko na dun sila Zea kasama ang mga Switzerland friends ko.

"Guys" tawag ko sa kanila at sabay-sabay naman silang tumayo, pero naunang nag-salita si Zea.

"Di kayo nag-aaya" sabi niya sa aming tatlo.

"Nahila lang din ako" sagot naman ni Syl na binatukan ni Sev.

"Ikaw ang kusang sumama, kami lang dapat ni Liya" sabi naman ni Sev at natawa naman si Zea at inasar si Syl.

"Tawagan ko kaya yung kaibigan kong CEO, kaya nung magpatahimik ng babaeng palagi akong inaasar" ganti naman ni Syl kay Zea. Matanda na kami pero ganito pa rin talaga kami sa isat-isa, lalo na 'tong dalawa. Asaran pa rin sila palagi.

This is how it started (Elementary Series #01)Where stories live. Discover now