Chapter 24

292 6 0
                                    


It's finally December. Wow, ang bilis ng oras.

"Inaabangan ko talaga ang Christmas station ID ng ABS-CBN, nakakaiyak kasi palagi 'yon kaysa GMA" sabi ni Zea habang nasa Chowking kami, nagdesign na kami sa rooms kanina ng mga parol at Christmas tree, at ngayon nakain muna kami bago kami magpasundo.

"I haven't watch any of those" sabi naman ni Atarah, kaya si Zea ay pinapanuod kay Atarah ang mga Christmas Station ID ng ABS-CBN. Ka-text ko lang si Sev, may project kasi silang ginagawa ngayon, kaya nasa school pa rin sila. Hindi daw sure kung anong oras matatapos. Okay lang naman, basta safe silang makakauwi nila Noa at Syl.

While we were waiting for our service, I can hear Atarah humming a song. Sa tingin ko 'yun yung nakaraang Christmas Station ID ng ABS-CBN, nalimutan ko ang title.

I am excited for Christmas season. It means Sev's birthday, Jesus' birthday, more glowing parols, Christmas trees, caroling, foods like bibingka, simbang gabi.

Today is Sunday at bukas pagmi-meetingan sa room kung ano ang ipe-perform namin sa Christmas Party. Ngayon ay nasa bahay lang si Sev, nanunuod kami ng twilight.

"Sev, dito ka ba kakain 'nak?" tanong ni mommy habang naghahanda ang mga cook ng dinner.

"No po. I will get home po later before 5 pm. Mom is still in the clinic with Matthew." Sev answered and mom just nodded her head and she looked at Charles who's playing text and pogs.

"I really want to be a vampire, if they really are true, gusto ko maging katulad nila. Imagine having a special power" sabi ko kay Sev nung matapos namin ang movie. "Tapos ang gwapo pa ni Edward Cullen" dagdag ko pa at umiling naman siya.

"They're not true at all. Don't dream an impossible dream" he said and I just rolled my eyes at him.

Pangarap na nga lang, hindi ko pa ba tataasan? Mas pogi lang sa kanya si Edward at hindi niya matanggap 'yun.

After a few hours, Sev went home and the day ended.

"So, any suggestion from you guys? Do you want us to dance?" our classroom president asked us and most of us nodded for her suggestion. "In what song? Do you want it in westernized song or kpop song?" she added and I looked at Zea and Atarah, they have a knowledge about that kpop songs.

"Pwede yung kpop, pero dapat yung makakasali ang mga lalaki. Pano kaya kung remix na lang ng kpop at western songs?" suggest ni Zea at sumang-ayon naman ang lahat.

Sabi kasi ng teacher namin ay dapat lahat ay makakasali para sa intermission number, kaya wala kaming magagawa tungkol doon.

"Siguraduhin niyo lang na lahat kayo ay pupunta sa practice ha, ang hindi pupunta, hindi ko na ililista. Bahala kayong mapagalitan ni ma'am" sabi ng class president namin at tumango ako kaagad.

After the meeting ay saktong dumating din si ma'am at naglecture na, abala kami sa pagsusulat ng mga sinulat ng secretary sa board, ng biglang may kumatok. Lahat kami ay tumingin sa pinto at nakita namin ang escort sa kabilang section na crush ng muse namin.

Automatic na umingay ang classroom dahil sa pang-aasar. Natatawa na lang ako dahil isa si Zea sa nangunguna sa pang-aasar.

"Yes? What do you need?" seryosong tanong ni ma'am sa kanya. "Continue writing" dagdag na saad ni ma'am at nagsulat naman ako.

"Ma'am may meeting daw po sabi ni Ma'am Concepcion. Tsaka pwede po kaming makahiram ng eraser sa board po? Nawawala po kasi yung sa amin doon po sa room" nahihiyang sabi niya at huminga na ng malalim si ma'am palatandaan na hindi siya natutuwa sa nangyayari.

This is how it started (Elementary Series #01)Where stories live. Discover now