Chapter 5

541 14 0
                                    


"If you can make someone happy, if you can make them smile and laugh, if you can make someone feel comfortable, then Papa Jesus will bless you. If you remain kind, respectful, loving, then Papa Jesus will bless you more"

Mom said one time when she was combing my hair before my bedtime, "But why do I need to do that? When will Papa Jesus bless me?" I asked curiously.

"Papa Jesus will bless you great things soon, maybe tomorrow or next month, we don't know exactly when. Just keep being a kind girl." she said before getting the story book that I loved.

I am currently writing the words that our teacher wrote in our black board. Umalis muna siya at nagsabi na ilista ko daw kung sino ang maingay sa mga kaklase ko. Minsan umaalis ang mga teacher namin, tapos nagpapalista ng maiingay sakin.

Hindi din naman sila tumitigil sa pagdadaldalan kahit na ilista ko pa sila e.

Naglalaro lang kami ng jackstone ngayon, pero hindi kami nag-iingay, meron pa kasing nagka-klase sa katabi namin na room. Dumating na si ma'am at kinuha lang ang notebook namin at sinabihan kami na mag-lunch na.

Maaga kaming nag-lunch kaya naman maaga din kaming natapos kumain. Naglaro lang kami ng patintero sa field sa harap ng room namin, nakita ko sila Sev na lumabas ng room nila at lumapit samin.

"Sali kayo?" tanong ko sa kanilang tatlo.

"Sige sali kami ni Noa, di ko lang alam kung sasali din si Sev" sagot sakin ni Syl at nakipag-usap sila ni Noa sa mga kaklase ko para malaman kung saang team sila.

"Ikaw ba? Sali ka na dali" sabi ko at hinila siya kaya wala na naman siyang nagawa kung hindi sumali.

Magkaiba kami ng team ni Sev, pero ayos lang naman sakin 'yon. Nung siya na ang nakaharang sakin ay hindi niya ako hinahayaang makalampas, akala ko kasi dahil best friend niya ako ay papalampasin niya ako kaagad.

Tiningnan ko siya ng masama ng hindi niya ako pinapalagpas, at nagkibit-balikat lang siya sakin at ngumisi pa. Aba! Akala mo hindi nag-drama kagabi.

Naging dalawa kami na binabantayan niya, nagtinginan muna kami ng kaklase ko. Tinangka kong tumakbo at ganon din yung kaklase ko, pero siya lang yung nakalampas. Hindi talaga ako pinapalampas ni Sev.

"Ganyan dapat Sweven, walang best friend, best friend dito" narinig kong sigaw ni Noa na kakampi ni Sev sa laro. Tiningnan ko naman si Noa ng masama.

Tumunog na ang bell kaya di na namin natapos ang laro. Ako naman ay nakatingin pa rin ng masama kay Noa at Sev.

"Hayaan mo, hindi na natin sila isasali sa susunod" sabi ni Syl at tinatapik-tapik pa ang balikat ko.

"Go inside" sabi lang ni Sev at itinuro pa ang room namin. Pumasok na din naman ako kasi nakita ko na din ang teacher namin. Iniripan ko muna silang dalawa at nagba-bye kay Syl.

Hindi naman ako naiinis ng sobra, konti lang kasi hindi ako pinalagpas ni Sev sa laro kanina. Pero hindi naman talaga ako naiinis, papansinin ko pa rin naman sila. Basta sa susunod dapat palagpasin na niya ako.

Binilhan naman ako ng meryenda ni Sev at sinabi na wag na akong mainis sa kanila.

Sabay-sabay kaming pumunta sa school bus habang inaasar ako ni Noa dahil nainis daw ako sa kanila. Nakasabay ulit namin yung mga bumati kay Sev last time. Kumaway sila sa tatlong kasama ko, pero hindi nila ako tiningnan man lang.

"May galit ba sila sakin?" I asked Sev with a pout.

"Don't mind them" Sev answered.

"Pero if may crush sila sayo, they should be kind to me, right? Because I'm your best friend"

This is how it started (Elementary Series #01)Where stories live. Discover now