Chapter 11

333 12 0
                                    


I woke up when my tita went inside my room. Nagmadali akong maligo at maghanda para sa event ngayon. I wore a red shirt and maong pants, tapos bag pack, so I can put here the flowers I will give to my mommy.

"Handa na ang prinsesa namin para sa Valentines" sabi nila tito tapos binigyan nila ako ng rose. "Candy 'yan" dagdag pa niya.

"Talaga po?" sabi ko habang nakatingin sa flower na candy daw.

"Yes, Happy Valentine's prinsesa namin"

"Nasaan po sila?" tanong ko sa kanila ni Tita Denice. Silang dalawa lang kasi ang kasama ko.

"Pumunta sila sa Hospital, nakalabas na kasi si Charles. Nanganak na ang mommy mo kaninang 12 am" sabi naman sakin ni Tita.

Tumigil naman ako sa pagkain dahil sa narinig ko.

"Talaga po tita? Nanganak na po si mommy? Nakalabas na po si Charles? Pwede po ba tayo pumunta sa kanila ngayon?" tanong ko kay tita at natawa naman sila sa dami ng tanong ko

"Mamaya pa daw, susunduin ka namin ng maaga mamaya sa school." Sabi naman ni Tito Alvin sakin.

"Okay po. Excited na po ako. Sure po ako pogi si Charles" sabi ko na lang at nagpatuloy ng pagkain. sana maging mabilis lang ang araw ngayon sa school, gusto ko ng makita si Charles.

Ihahatid daw nila ako sa school kasi may bibilhin daw sila para kay mommy mamaya. Nakasalubong namin palabas si Sev, sabi ko kay tita ay isabay na namin siya sa car.

Nasa likod kami ni Sev, naka red shirt din siya, maong pants at rubber shoes.

"Alam mo ba, nakalabas na si Charles sa tiyan ni mommy? Mamaya daw maaga akong uuwi, tapos pupunta kami sa hospital. Tapos bibili pa rin ako ng flowers para kay mommy. Yung iba kong relatives naandon na sa hospital. Tapos binigyan ako ni tito kanina ng candy na flowers, naiwan ko lang sa bahay. Yung kapatid mo na nasa tiyan pa ni tita Lucille, kailan lalabas? May pangalan na ba siya?" mahabang kwento ko kay Sev, nakarating na kami sa school bago pa makasagot si Sev sa tanong ko.

Kumaway muna ako kila tita at tito bago kami bumaba ni Sev. Si Sev naman ay nagpasalamat sa kanila.

"You talked too much" he said, almost laughing. I just pouted at him. "They will learn about the gender next month, and then she/he don't have a name yet. Maybe the baby will go out by June or July"

"Ahh. Excited na ako makita ang kapatid ko. Gusto mong sumama mamaya sa amin? Titingnan natin si Charles, uuwi din naman daw kaagad kasi bawal daw ang bata sa hospital"

Umiling naman siya sakin, Nakita naman namin si Syl na kakapasok lang sa gate.

"Why naman?" tanong ko sa kanya.

"So, I can be with Mom later. Dad's been busy lately and he always come home late, so I have to be with mom, aside from our maids"

Tumango naman ako sa kanya, at bumaling naman ako kay Syl para magkwento din ng nangyare.

"Wow naman. Sa susunod pala may bago na tayong kalaro" natatawa naman na sabi ni Syl sakin na kaagad ko naman tinaguan. Napailing na lang sa aming dalawa si Sev.

Nagpunta na kami sa mga room namin para sa attendance. Matapos nun ay pinapunta na kami sa gymnasium para sa performance namin. Kapartner ko si Jiro sa sayaw namin, nanonood din yung ibang grade level samin.

Yung mga escort at muse naman ay nasa backstage, kasi matapos lahat ng performance ay sila naman ang susunod. Mr. and Ms. Valentines na ang sunod na program after the performance.

This is how it started (Elementary Series #01)Where stories live. Discover now