Chapter 48

558 10 0
                                    


Hindi ako mapakali habang nasa daan kami. Traffic pa.

Dalawang linggo pa lang akong wala sa Laguna, tapos babalik naman ako sa Friday. Pero bakit naman ganito kaagad? Kakapasok pa lang ng taon. Sana okay lang si Lola.

I sent a text to Sev saying that I need to be in Laguna. I don't know if he will go there, his schedule is hectic these days. I also sent a text to Zea, in case that she will need me, she knew where I am.

Bakit ba lahat sa amin ay busy ang line? Ilang beses ko ng sinusubukan lahat ng may cellphone na nasa bahay, pero bakit walang sumasagot sa akin?

Nang makapasok na kami sa Calamba ay tinext ko na kaagad sila mommy. Mas mabilis na ang byahe namin, talagang traffic lang ang tinigilan namin ni Syl. Hindi pa rin niya ako tinatanong kung ano ang nangyari. At hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko.

Nung nag-traffic ulit sa may Olivares ay sinabi ko na kay Syl ang dahilan ko ng biglaang pag-uwi. Paniguradong nag-aalala na din to ngayon, lalo na at kabado ako.

"Si Lola kasi, sabi ni mommy kritikal daw ang lagay niya" nag-aalalang sabi ko kay Syl.

"Magiging okay lang din ang lahat. Malay mo pagdating natin do'n ay isa pa siya sa sasalubong sayo. Ikaw kaya ang favorite na apo. Sanaol" sabi niya at sinusubukan akong i-distract sa pagiging kabado. "Madaya talaga yang mga lolo at lola mo, may favoritism. Tss tss, ako di favorite na apo e." natatawang dagdag pa niya.

"Sana nga. Kasi ang dami ng nangyayaring problema. Ayaw ko na sanang may dumagdag pa sa kung ano ang problema ngayon" sabi ko sa kanya at umusad na ulit ang traffic. Mas bibilis na din ang byahe, kakaunti na lang kasi ang traffic makalampas ng Olivares.

"Alam mo, ang problema kasi parang ano lang 'yan. Parang ulan lang 'yan, bigla na lang babagsak e ikaw naman wala kang dalang payong, o kaya nawala mo na naman. So 'yun nga, para siyang ulan, bigla na lang babagsak, di mo mamamalayan tapos na ang pagbagsak niya." Sabi niya habang nagda-drive. "Ang kailangan mo lang gawin ay umisip ng solusyon. Kung wala kang payong maki-sukob ka, humiram ka o kaya naman bumili ka kung madami kang pera. Kasi kahit na sabihin mong mabilis lang tumila ang ulan, mas magandang salubungin mo na lang na may dala kang payong. Minsan nga di lang ulan ang problema, madalas bagyo pa. Haha"

Umirap at tumawa lang ako sa sinabi niya. May sense naman talaga. Kaya kapag seryoso tong si Syl, mas magandang makinig ka muna bago mo siya asarin sa pagiging seryoso.

"Ang seryoso naman. Porke di ka nawawalan ng payong nung high school" pang-aasar ko sa kanya at tumawa naman siya.

"Seryoso kasi. Enjoyin mo na ang pagiging serious ko. Minsan lang 'to sa isang taon" natatawang sabi niya. "Pero kung rich kid ka naman, wag ka ng maglakad sa ulan, mag-kotse ka na lang"

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami. Pinapasok din kaagad ang kotse ni Syl kasi nakita naman ako ng guard.

Nagpa-iwan si Syl sa may sala at ako naman ay agad tumakbo sa taas. Ilang oras yata akong nagbyahe, sa mga oras na yun hindi nakasagot si mommy at kung sino man ang nasa bahay, yung mga pinsan ko naman ay kanina lang nagtext at sabi ay malala nga daw ang kalagayan ni Lola. Hindi ko sila nakita sa labas at sa baba, ang mga bata yata ay nasa school pa.

Pagdating ko sa taas ay lahat sila nasa labas ng kwarto ng mga lolo at lola ko. Nasa wheelchair si Nanay at Tatay kasama ang nurse nila.

"Ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa mga tito at tita ko. Umiiyak ang iba kong tita at lalo akong natatakot at kinakabahan.

Sasagot na sana sila sakin kaya lang ay nabuksan ang pinto at lumabas dun si mommy na umiiyak din. Sumilip ako at kita ko si Lolo Jun na nakayakap kay lola, hindi ko makita ang mukha nila kasi nakaharang si daddy.

This is how it started (Elementary Series #01)Where stories live. Discover now