Chapter 4

580 17 0
                                    


The pageant ended quickly and as expected Sev won, but Wendy did not. After that the grade 5 and grade 6 student gave some of the foods that they cooked for us.

Habang kumakain kami nila mommy ay nakabusangot pa rin si Sev. Ano bang problema niya? Siya lang ang nanalo na hindi masaya. If ako 'yon, I will surely be smiling widely by now.

"Sige next time ako naman ang muse sa room namin" I said trying to lighten his mood.

"Wag na. Di naman ako magiging escort ulit" inis na sabi niya sabay bigay sakin ng patatas dun sa kinakain niya, alam niya kasing favorite kong gulay ang patatas. Binigay ko naman sa kanya ang carrots sa ulam ko. Kahit ano naman kinakain niya bukod sa may allergy siya.

Ayaw ko pa naman ng madaming gulay, potatoes are enough for me.

"Okay sabi mo e. Congrats sayo" sabi ko at kumain na lang muna.

The classes resume. Sev and Noa still check on me every break time and to see if I am with someone during recess and lunch. Next week is the intrams, we can't participate to some of the sport games like basketball, football, badminton and volleyball. All of those are for Grade 4 to Grade 6 only.

Pwede daw kami sa team building kasi matutulungan naman kami ng higher grade, pwede rin kami sa board games kung gusto namin sumali. Meron ulit pageant kaya badtrip na naman si Sev. Kasalanan naman niya kung bakit siya escort, magtiis na lang siya.

The intrams will last for 2 weeks. May mga klase pa rin lalo na samin na hindi makakasali sa ibang laro. Meron ulit parade sa first day at dahil ako ang class president, ako ang nagli-lead sa kanila. Katulong ko din naman yung iba pang officer.

Nakatayo ako sa unahan kasama ang vice president namin na si Jiro habang nakikipag-usap sa mga classmate namin.

"Ang muse and escort ay automatic na kasali sa pageant, tutulong lang tayo in the process for them to win. Ngayon sino sa inyo ang gustong sumali sa ibang games, chess, puzzle, scrabbles? For poster making, siguro yung gumawa na lang ng poster ang gagawa ulit ngayon. Ano ba sa tingin niyo?"

Nagkatinginan ang mga gumawa ng poster namin nung Nutrition Day at nag-usap.

"Magpalista na lang kay Nica ang gustong sumali. Sabi ni ma'am, okay lang naman daw ang hindi sumali, kaya kung ano ang gusto niyo, bahala na kayo" sabi naman ni Jiro habang yung iba ang nag-uusap na tungkol sa sinasabi namin at kung sasali ba sila.

"Sa team building naman ay lahat tayo kasali, sabi ni ma'am magkakahiwalay daw yung iba. Ang team daw ay iba-ibang grades ang kasali kaya may makakasama tayo mula sa ibang grade. Dapat lahat tayo ay sumunod sa mga higher grade para manalo ang team na masasalihan natin" sabi ko sa kanila at yung iba naman ay hindi nakikinig. "Wag kayong makulit, boys. Di kayo nakikinig sa akin" reklamo ko at tumahimik naman sila at nagbulungan na lang.

Maayos naman nakausap ang mga kaklase namin, basta di sila maingay at makulit. Yung iba nagpalista na, yung iba pinag-iisipan pa kung sasali.

Magkatabi kami ni Sev sa school bus at nag-uusap tungkol sa intrams.

"Hi Sev!" sabi ng dalawang estudyante na pumasok sa bus. Tiningnan ko sila pareho naman silang maayos maganda. Mas matanda yata sila sa akin e.

"Kaklase mo?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya."Wow, sikat na ang best friend ko. May crush sayo siguro 'yun" pang-aasar ko sa kanya.

"Alam mo ikaw, puro ka crush" naiinis na naman siya sakin. May ginawa ba ko sa kanya? Lagi siyang inis e.

"Hala. E bakit inis ka na naman? Buti nga at merong may crush sayo kahit masungit ka" sabi ko at naiinis na rin sa kanya.

This is how it started (Elementary Series #01)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant