Chapter 12

313 15 0
                                    


Charles is so cute, sometimes he will cry so loud and then he always drinks mommy's milk on her breast. And then he always wears a white color and daddy always changed his diaper. Mommy always include made me Charles is taking a bath in a small bath tub. And then when I went home from school, I always play with Charles is he's awake. Sometimes he's sleeping on his bed or mommy's in the rocking chair singing for him.

He's so chubby and malikot.

I already told all about it to my friends. Sev, Noa and Syl already visited Charles and give a gift from their parents. Sev is almost always here, because I sometimes forgot to go in their house to play, because Charles is so cute. He always holds my fingers with his tiny hands. Sev also loves to be here because of Charles. But sometimes, he will just stay here for a short time to play with me and Charles, so Tita Lucille won't feel alone.

In my recognition day, mommy asked yaya to cook a lot of foods. Dad assisted me during the march and Tita Audrey attended as well, she took a lot of pictures of me with dad, with my classmates, with Sev, Noa and Syl. Hindi naman nakapunta si Noa sa handaan sa bahay dahil meron din siyang handa sa kanila, si Syl naman ay pumunta muna sa bahay nila Sev, pagkatapos ay sabay silang pumunta sa bahay namin.

We always played and talked to Charles. Pero mas madalas na karga siya ng grandparents ko, ng tito at tita ko, ni daddy at ni mommy. Pinag-aagawan nila si Charles, e ako hindi ko pa siya nabubuhat. Sabi ni mommy bawal ko pa daw buhatin si Charles kasi maliit pa ako at mabigat din daw si Charles.

Kapag hindi si mommy ang nag-aalaga kay Charles ay laging ako ang inaasikaso ni mommy. Ganon din si daddy kapag hindi siya ang bantay ni Charles. Ayaw daw kasi nila akong magtampo ako at ayaw nilang maisip ko na hindi na nila ako pinapansin. Minsan iniisip ko 'yon, pero kapag nakikita ko si Charles, iniisip ko na hindi pa naman niya kaya ang mga nagagawa ko kaya kailangan talaga na alagaan siya ng mabuti.

Ako din naman inaalagaan ko siya, hindi ako nag-iingay kapag natutulog siya, tapos nalabas ako nakikipaglalaro kapag naandito sila Sev. Tapos kahit hindi naman siya nagsasalita, kinakausap ko pa rin si Charles kahit hindi pa naman siya nakakapag-salita. Tapos binigyan ko din siya ng isang teddy bear na maliit.

Nung April naman ay nag-celebrate kami ng birthday ni Lola Sonia sa Laguna. Ilang weeks kaming naandon, buti na lang nasabi ko kay Sev, Noa at Syl na pupunta muna kami sa Laguna.

Si Charles naman ay mas kumukulit kada araw, he's grip started to tighten. Tapos minsan isusubo niya yung thumb niya. He's really pogi just like daddy. Sabi ni mommy, kasabay daw ng birthday ko ang binyag ni Charles, kaya excited na akong mag-birthday.

Sa bahay lang daw at magsu-swimming na lang daw kami, 3 months pa lang daw kasi si Charles that month, kaya hindi muna nila inilalabas si Charles. Madami ding check-up si Charles, at meron din siyang vaccine like me, pero mas madami yung sa kanya. May vitamins din siya and me as well.

Madalas na sa kwarto na ni Charles ako nakakatulog, do'n sa puzzle mat niya, kasi dun kami nahigang dalawa at nakikipaglaro ako sa kanya. Si Daddy naman ay babalik daw sa work niya sa office kapag, pasukan ko na daw bilang Grade 2.

Umuwi na kami sa bahay bago mag May, kaya naman ngayong araw ay nasa bahay si Sev at Syl. Si Noa daw ay nasa ibang bansa, kaya baka hindi din daw makapunta sa birthday ko.

"Alam mo ba sabi ni Mommy, ang binyag ni Charles ay isasabay sa birthday ko, kaya naman sobrang excited na ako. 8 years old na ako" sabi ko kay Sev habang naglalaro kami dito sa playground ng village, kasama namin ang mga yaya namin. May mga bisita kanina sa bahay na kaklase ni mommy nung college kaya naandon din si Tita Lucille sa bahay. Mga ninang at ninong ko halos lahat ng friends ni mommy at daddy e.

This is how it started (Elementary Series #01)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin