Chapter 6

454 15 0
                                    


"Sino gusto maglaro ng bring me?" tanong ng clown para sa birthday ni Syl. Lahat kami ay nag-taas ng kamay sa kanya. Kasama ko naman sila mommy at daddy ngayon since it's Sunday and day-off ni daddy sa work. Si Sev naman ay kasama si tita Lucille.

"Pero bago natin gawin 'yun, maglaro muna tayo ng ibang laro. Kung sino ang manalo syempre may premyo. Patagalan ng pagbati ng 'Happy Birthday', sino ang sasali?" parang bata na sabi nung clown samin.

Madami kaming sumali, yung iba ay hindi naman matagal ang pag-bati. Hindi ko alam kung mapapahaba ko yung sakin, pero sana para manalo ako ng premyo. Si Sev kasi for sure hindi mananalo e.

"Ikaw anong pangalan mo?" tanong sakin nung clown nung ako na ang sunod na maglalaro.

"I'm Liya. Hello po" sagot ko naman sa kanya.

"Sa susunod na laro na lang ulit baby" sabi sakin ni mommy ng hindi ako nanalo sa unang laro. Tumango lang ako at tumabi na ng upo kila Sev na nasa may malapit sa stage.

"Okay lang 'yan. Mananalo tayo mamaya" sabi naman sakin ni Noa, kaya ngumiti na ako sa kanila.

"Yeah, Sylver told us the list of games earlier" Sev said to me before we watched the other kids and clapped our hands for the winner.

"So, the next game is the 'Bring Me', lahat ba kayo may kasamang parents or guardian?" tanong ng clown saming lahat. Lahat naman kami ay tumango.

"Okay. So kapag nagsabi ako ng isang bagay, takbo agad sa kung saan meron. Hmm?" sabi niya at lahat ulit kami at tumango at tumayo sa pagkaka-upo. "Bring me puting panyo!"

Tumakbo naman ako kay mommy at daddy, nakahanda na ang puting panyo, pero nung lumingon ako sa stage ay may naka-una ng magbigay ng panyo. Bumalik ulit kami sa may unahan at hinintay ang sasabihin nung clown.

"Next naman, bring me bato"

Lahat naman kami ay naghanap ng bato. Sakto may maliit na bato malapit kay Sev at binigay niya naman sakin 'yun. Ako ang naunang mag-pasa ng bato kaya naman natuwa ako.

"Okay, sunod ay... dalhan niyo ako ng medyas" hindi naman ako naka-medyas kaya di na ako nag-hanap.

Nagulat naman ako ng si Noa ang naunang nagpasa, pero nakahubad naman ang sapatos niya dahil yung medyas na suot niya ang binigay niya.

"And sunod naman ay bring me 500 pesos"

Tumakbo naman ako kila mommy at humingi ng pera na 500. Pagkatapos naman no'n ay ako ulit ang naunang mag-pasa kaya parang may 2 points na ako.

"Wow naman, para sakin na ba ito baby girl?" tanong nung clown kaya umiling naman ako.

"Ibabalik ko po ulit kila mommy 'yan" sagot ko naman sa clown.

Nagtawanan naman silang lahat kasi hinihintay kong ibalik nung clown yung 500.

"Sige na nga, ayaw ko naman magpa-iyak ng magandang bata" sabi niya at binigay sakin ang 500 kaya tumakbo ulit ako kila mommy.

"Sige, ito last na, next naman. Dalhin niyo sa akin ang may birthday

Lahat kami ay tumingin kay Syl na naka-upo lang sa may stage. Tumayo siya at lumapit sa clown.

"Ako na ang magdadala ng sarili ko" sabi niya kaya naman natawa kaming lahat.

"Sige, sige pagbigyan natin ang birthday boy natin"

Ako ang nanalo para sa bring me. Binigay ko muna kay mommy yung premyo na natanggap ko.

"Ang sunod na game naman ay stop dance, lahat dapat ay kasali at lahat ay sasayaw. Kapag tumigil na ang tugtog, dapat lahat kayo ay titigil din okay? Ang gumalaw matatanggal sa laro"

This is how it started (Elementary Series #01)Where stories live. Discover now