Chapter 1

247 6 15
                                    

       Nagising ako mula sa mahimbing na tulog nang maramdaman ko ang pag-lick sa aking mukha "Good morning, Ayumu". "Arf" bati ng aso sa kanyang amo at tumalon papunta sa kama "Yes, I'm up Yumu.. Later tayo mag play sa park. Gusto mo yon hindi ba?". Nag bark naman muli si Ayumu. Tumayo mula sa pagkakahiga ang babae at hinanap ang kanyang sapin sa paa, itinulak naman ni Ayumu ang isa kapares ng tsinela. Dahan dahan naglakad patungo sa kusina hawak nito ang leash ng aso. Nagsimula magtimpla ng kape ang babae, habang inaantay kumulo ang pinapainit na tubig ay kinuha nya ang bowl ni Ayumu at nilagyan ng tubig. Si Ayumu ay isang golden retriever na breed ng aso. Malabing ito at mahilig makipaglaro. Ininom naman agad ni Ayumu ang tubig na bigay ng kanyang amo. 

    Ilang minuto ay tumunog na ang electric kettle, dahan dahan naman kinapa ng babae ang handle bago isalin sa baso, nagsuot sya ng kitchen gloves para hindi mapaso. Nakapag toast na din sya ng tinapay at nakapag fried ng egg. Ninanamnam nya ang kanyang breakfast ng marinig na nag ring ang kanyang cellphone "Yumu, paki kuha naman ang cellphone ko nasa side table ng aking kama". Tumigil naman sa pagkain ang aso "Arf" at tumakbo papunta sa kwarto at kinuha ang phone. Hinaplos ng babae ang ulo ng aalagang aso. Binuklat nya ang kanyang LG ice cream flip phone at pinindot ang 'answer' button. Luma na ang phone na ginagamit nya at obsolete pa. 

"Good morning?" 
"Good morning Haruko. Ang aga mo talaga gumising. Hahaha" bati ni Fujii ang kaibigan ni Haruko. Natawa naman si Haruko at tinignan ang orasan na nasa likod nya at hinaplos ito "Ah, half pass five pa nga lang pala. Bakit ka nga pala napatawag Fujii"

"I remind lang kita na magkikita tayo before lunch para sa quick catch up. Ka uuwi ko lang galing vacation remember?" sabi ni Fujii. Naalala naman ni Haruko na nag-usap sila last week ng kaibigan at napag-usapan nga nila ito "Salamat Fujii pinaalala mo. Sige mag-aayos na ako matagal naman ako kumilos Haha". Natawa naman si Fujii at sinabi kay Haruko kung saan sila magkikita "Tamang tama malapit lang sa park. Ipapasyal ko si Ayumu. Pwede ko ba isama si Yumu?" dagdag pa nya. 

"Oo naman. Miss ko na din ni Yumu. I have treats for you Ayumu. Good boy ka ba?" sabi ni Fujii. Kumahol naman si Ayumu at nag- wag ng kanyang tail. Narinig naman ito ni Haruko kaya napatawa muli sya. "Sige na Fujii kikilos na ako. Matatagalan din pamamasyal namin ni Yumu at excited na sya. Hindi ba? Who's the good boy? Huh?" dinambahan naman ni Ayumi si Haruko at kahol ng kahol, narinig ito ni Fujii kaya nagpa-alam na s'ya. 

     Inilagay na ni Haruko ang ginamit n'yang baso at mga kubyertos at hinugasan. Nasa likod lang nya si Ayumu na nakamasid. Pinunasan ni Haruko ang mga kasangkapan bago ibinalik sa dish organizer. Pinunasan naman nya ang kanyang kamay pagkatapos. Bumalik si Haruko sa kwarto at binuksan ang kanyang cabinet, kinuha nya ang isang naka hanger na dress. Hinaplos nya ito, isa itong ruffle strap dress na pa tube ang bodice flowy ang skirt nito na nasa gitna ng kanyang tuhod ang haba kulay red ito. Yumuko sya para kuhanin ang kahon ng kanyang flat sandals kinuha nya ito kulay puti naman ito na may silk ribbon design sa ibabaw. "Maganda ba Ayumu?" tanong ni Haruko sa kanyang aso. "Arf" sagot naman ito. Sinabi ni Haruko na maliligo lang sya kaya mahiga muna si Ayumu. Naintindihan naman ni Ayumu ito. 

     Halos 45 minutes din naligo si Haruko bago nakapagbihis. Tinuyo nya ang kanyang buhok at dahan dahan nagsuklay. Isinukbit nya ang kanyang sling bag na regalo sa kanya ni Fujii kulay puti din ito. Para sa accessories, ginamit nya ang red headband na binili nila noon ni Fujii ng mamasyal sila sa mall. "Yumu, okay na ako. Punta na tayo Park". Mabilis naman lumapit si Ayumu habang kagat ang kanyang leash. Kinuha naman ito ni Haruko at umalis na ang dalawa alas-otso na at 15 minutes bago sila makarating sa park. Nakarating naman sila ng matiwasay, binati ng mga nagtitinda sa park si Haruko. Kilala din naman ni Haruko ang mga ito dahil palagi sila pumupunta ni Ayumu dito. Mga 2 to 4 days a week sila namamasyal sa park. Nagpa-alam na si Haruko sa kanila at pupunta sa flower garden ng park. Malapit na sila ng may bumangga kay Haruko at hindi sinasadya na matumba ang dalaga.. 

.....

        Kababalik ko lang galing sa field work. Nakakapagod ang napili kong propesyon pero its all worth it dahil mahal ko ito at mahalaga na nakakapag-save kami ng buhay ng ibang tao. Katulad kanina ilang oras din ang ginugol namin, nakaupo ako sa aking office chair ng may kumatok sa dibisyon "Captain!" narinig kong bati ni Mitsui. "Bakit po Lieutenant" tanong ko. "Anong bakit? 14 hours ka na naka-duty. Sobra sobra na umuwi ka na". Dumating din si Miyagi "Oo nga, baka gusto mo isumbong kita kay Fire Chief?". Nag nod naman ako. Sa Fire Department ako nag tratrabaho kasama mga kaibigan ko. Ako si Kaede Rukawa ang Captain ang highest ranking official na kasama sa firefighters na nag aapula ng sunog. Si Mitsui naman ang incharge sa training samantala si Miyagi naman ang Battallion Chief ang gumagawa ng mga work schedule. 

         "Alis na sabi eh" sabi naman ni Miyagi wala na ako nagawa at mabagal na umalis "Pagbalik mo mamaya sabay kayo pumunta ni Sakuragi sa Office ko" sigaw ni Mitsui. Nag wave na lang ako at umalis na. Bumili ako ng coffee sa katabi namin cafe. Naglalakad ako ng makita ko may aksidente sa daan ko pauwi kaya nag shortcut ako, dumaan ako sa loob ng park, nasa may flower garden na ako ng mabunggo ako ng isang babae kaya natapos ang binili kong kape at may ilan stain din ang puti kong v-neck shirt. Nakita ko ang isang babae na dahilan ng lahat. 

"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Bulag ka ba?" galit na tanong ko. May lumapit sa akin na aso at galit ito. Nagsalita naman ang babae "Pasensya na po kayo Sir. Hindi ko sinasadya.. Bulag kasi ako". Noong sinabi ng babae ito pakiramdam ni Kaede isa syang malaking jerk "Miss. I'm sorry, hindi ko alam. Nadala lang ako ng inis". Lalapitan ni Kaede ang babae at tutulungan makatayo ng nakarinig sya ng galit na bark ng aso kaya natigilan sya "Yumu.. Tama na. Ayos lang ako.." pag awat ng babae. Dahan dahan kinapa ng babae ang sahig maya maya at ginuide ng aso ang kamay nito sa upuan na bench. Ginamit naman ng babae na iyon ang bench para makatayo. Nag whimper si Ayumu at dumikit sa binti ng babae. Hinaplos naman ng babae ang ulo nito. 

"Sorry talaga Miss. Sana mapatawad mo ako. Ako pala si Kaede Rukawa" pagpapakilala ko. Ngumiti lang ang babae "Ayos lang. Alam ko naman na hindi mo nakita na bulag ako. Hindi ba? Ako naman si Haruko Akagi at sya naman si Ayumu ang service dog ko". Hindi maiwasan na mag cringe ni Kaede sa sinabi ni Haruko. Tumunog ang relo ni Haruko at nagsalita ito "Pasensya na po ulit Sir. Maiwan na po namin kayo. Tara na Yumu". Kumahol ang aso at ginuide si Haruko papalayo kay Kaede hinabol pa ng masamang tingin ng aso ang binata. Nag pasya si Kaede na mag patuloy maglakad pauwi... Pagkauwi ni Kaede, nagmadali sya magtake ng shower at magpalit ng damit.  Hindi mawala sa isip nya kung paano n'ya sinabihan ang isang tao na may kapansanan sa mata na 'bulag' at hindi man lang nagalit ang babae sa kanya. 

"Ang jerk mo, Kaede" bulong n'ya sa isip habang nakahiga sa kama. 

Echoes in the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon