CHAPTER 35

3.4K 88 3
                                    

CHAPTER 35

JHIANNE POV

Tahimik lang kaming dalawa dito ni Axel sa sasakyan niya.

Ewan ko, pero ang lamig ng atmosphere dito sa loob, eh. Kanina inaasar asar lang ako niyan tapos ngayon napaka cold.

Alam ko namang cold talaga siya, pero hindi pa rin ako masanay do'n, hays.

Sabi nila nakakatakot siya, pero hindi naman ako natatakot sa kaniya, eh, pero minsan kapag ano talaga siya natatakot din ako.

Magsasalita sana ako para tanungin si Axel kung saan kami pupunta nang tumunog ang cellphone ko.

Agad ko namang kinuha 'yon para tingnan kung sinong nagtext. Nang malaman kong si Ashton 'yon ay napasimangot ako.

FROM: ASHTON ENGOT

Anne, just trust me, okay? Ganito na lang, hindi na kita isasali sa plano. Ako na lang ang gagawa no'n at makakaalam. Sana nga lang makisama ka sa 'kin haha.

Matapos kong mabasa ang text niya ay naiinis na nagtype ako para replayan siya.

TO: ASHTON ENGOT

Umayos ka, Ashton, ah? Sinasabi ko sa 'yo. Kapag 'yang plano mo, ayysstt. Sinasabi ko talaga sa 'yo. Malaman ko lang talaga kung ano 'yang plano planong sinasabi mo, lagot ka talaga sa 'kin. Kapag hindi maganda 'yan kakatayin talaga kita.

Inis na reply ko sa kaniya. Nakakapang-init siya ng ulo, eh.

Ano 'yon? Gagawin niya pa 'kong ano para lang pagselosin 'yung nililigawan niya? Ano siya sinuswerte? Kung tama man 'yung iniisip ko na may pagseselosin siya.

Hindi ko man alam kung may pinagseselos ba siya sa nililigawan niya o girlfriend pero parang gano'n, eh.

Malalagot talaga siya sa 'kin kapag 'yun talaga ang plano niya. Mamaya kasi warfreak 'yun, eh edi kawawa ako?

Maya maya ay nakatanggap ulit ako ng text galing sa kaniya na agad ko namang binasa.

FROM: ASHTON ENGOT

Kalma lang, damang dama ko 'yung galit mo, eh haha. Don't worry, ako ng bahala haha.

Anong siya ng bahala? Naiinis na talaga ako, ah. Ano bang pinagsasabi nito? Pinagtitripan ata ako ng lokong 'to, eh.

Kapag sinugod ako ng nililigawan nito. Makakatay ko talaga siya.

Akmang rereplyan ko siya ulit nang may bigla na lang humablot ng cellphone ko.

"Tama na ang kakareply mo sa Kuya ko, pwede ba? Sa 'kin na muna 'to. Hindi ka pwedeng magcellphone habang kasama mo pa ako." Sabi niya.

"Ano?! Baliw ka ba?!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

Aba, hindi ako papayag na kunin niya sa 'kin cellphone ko, noh. Mamaya tumawag si Mama diyan, eh.

Tsaka sino siya para kunin sa 'kin 'yung cellphone ko? Tatay ko ba siya, ha?! Tsaka paano niya nalaman na katext ko Kuya niya?

"I don't care kung magalit ka sa 'kin, basta hindi mo makukuha sa 'kin ang cellphone mo hangga't kasama mo pa ako." Seryosong sabi niya.

"Nakakainis ka talaga, alam mo 'yon? Kung umasta ka para kang Tatay ko, ah. Tatay ba kita, ha?!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

"Can you please lower your voice?" Halata ring inis na sabi niya sa 'kin. Hindi ko naman siya pinansin.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang