CHAPTER 65

2.7K 87 1
                                    

CHAPTER 65

ASHTON POV

Pagkatapos kong tawagan si Jhianne ay humagalpak ako nang tawa. Shet, mukhang malalagot ako nito.

"Tinatawa tawa mo diyan?" Napatigil lang ako nang magsalita si Light, my baby.

"Wala naman, pffttt." Sabi ko at natatawa na naman ako, takte.

"May kalokohan ka na namang ginawa, noh?" Tanong niya at lumapit sa 'kin para halikan ako sa lips.

Aw, ang sweet ng baby ko, ayyyiiee inggit ka? Hanap ka jowa mo.

"Slight lang haha." Sabi ko kaya binatukan niya naman ako.

"Trip mo na naman sila baby Jhianne at si Axel, noh? Lagot ka sa dalawang 'yon haha." Sabi niya, natawa na lang din ako.

Totoo naman kasing malalagot ako sa dalawa. Pero okay lang, at least magiging okay na sila 'di ba?

"Wait lang, baby. Tatawagan ko 'yung gago kong kapatid haha." Sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"What?" Takang tanong ko.

"Your words." Seryosong sabi niya kaya napatakip ako sa bibig ko nang marealize ko kung ano 'yung tinutukoy niya.

Shems, ayaw niya nga pala akong nagmumura.

"Sorry haha." Inirapan niya lang ako at pumunta na siya sa kusina. Nandito pa rin kami sa condo ko.

So 'yun nga, tinawagan ko 'yung kapatid ko. Natatawa na 'ko kahit hindi ko pa siya natatawagan.

Kung kanina nga pigil na pigil ko ang tawa ko nang kausap ko si Jhianne, eh dapat ngayon din.

Ako na lang lagi 'yung tulay nila para magkaayos at maging sila na. Mga pabebe pa, eh. Kaya dapat magpasalamat sila sa 'kin.

Ilang ring pa bago niya sinagot ang tawag ko. Busy ata pero pagdating kay Jhianne sure akong babalewalain niya 'yang kabusyhan niya.

"What?" Masungit na bungad niya, napairap na lang ako. Saan ba pinaglihi ni Mommy 'to?

"Ouch naman, mah brother. Wala man lang kumusta na, Kuya? Bakit ngayon ka lang tumawag? I miss yoouuu! mga gano'n." Sabi ko at nilayo ang phone para tumawa.

Puta, para akong tanga. Ay, matagal na pala akong tanga.

"Fuck you! I'm busy." Natawa naman ako sa sinabi niya. Wala talagang galang sa 'kin 'to. Minura pa ako ng gago.

"Okay. Busy ka pala, eh. Sayang, tungkol pa naman 'yon kay Jhianne so babush." Sabi ko at binaba na 'yung tawag, sure naman akong tatawag 'yun ulit.

Nagbilang ako ng five seconds at boom! Tumunog 'yung cellphone ko kaya natawa ako. Sabi sa inyo tatawag 'yun ulit, eh.

"Akala ko ba busy ka?" Tanong ko agad nang sagutin ko ang tawag niya at nagpipigil tumawa.

"Just tell me." Masungit na sabi niya, takteng 'yan.

"Babalik na siyang America kaya kung gusto mo pa siyang makita-" Hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko nang binaba na niya 'yung tawag.

"Aba, bastos. Hindi pa nga ako tapos magsalita, eh tsaka hindi niya pa alam kung saang airport 'yon, siraulo." Iiling-iling na sabi ko.

At para sure, tinext ko sa kaniya 'yung airport kung saan sila magkikita.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersWhere stories live. Discover now