CHAPTER 49

2.8K 81 4
                                    

CHAPTER 49

JHIANNE POV

Tatlong araw na ang lumipas nang makalabas ako ng hospital at ngayon ay back to school na ako.

Hindi pa pala pwedeng tanggalin 'yung benda na nasa ulo ko baka daw pagkatapos ng one week ay pwede ko na siyang tanggalin.

"Sissy, anong pinag-usapan niyo nila Tita at Tito?" Tanong ni Sissy sa 'kin.

'Yun ang tawag na niya ngayon sa totoong parents ko kapag kaming dalawa lang. Okay lang naman sa 'kin kung Mommy at Daddy pa rin tawag niya sa kanila, wala namang kaso sa 'kin 'yon tsaka mas ayos nga 'yon, eh. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya na.

"Wala 'yon, Sissy." Sagot ko na lang at tumango naman siya. Wala, ayaw ko lang muna sabihin sa kaniya 'yung napag-usapan namin nila Mommy.

Bigla ko tuloy ulit naalala kung anong pinag-usapan namin.

Ngayon ay hawak na ni Mama ko 'yung kamay ko.

Tuwing tinatawag ko siyang Mommy o Mama sa isip ko, naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi lang siguro ako sanay pa.

"Shh, h'wag ka ng umiyak." Pagpapatahan sa 'kin ni Mom. Ngumiti naman ako tsaka tumango.

"Ah, ano... Nasabi sa 'min ni Kate Lyn na alam mo na daw ang totoo. Totoo ba?" Tanong ni Mom.

"Opo." Sagot ko naman.

Nagkatinginan naman silang dalawa ni Dad at tsaka ako binalikan ulit nang tingin.

"Sorry, Sweetie." Naiiyak na sabi ni Mom at niyakap ako ulit.

Ang sarap naman sa pakiramdam na tawagin niya akong Sweetie.

"Sweetie, are you okay now?" Tanong ni Dad.

"Yes, Dad. I'm okay." Sabi ko dahilan para matigilan siya.

Hala, bakit?

"B-bakit po? May masama po ba akong nasabi?" Tanong ko.

Ngumiti naman sa 'kin si Mom at tsaka bahagyang hinaplos ang mukha ko.

"No, nagulat lang siya dahil tinawag mo siyang Dad." Sabi ni Mom, natatawa pa.

Napa ah naman ako. Grabe, nahihiya na ako.

"Ah hehe." Naiilang na sabi ko na lang.

"Ah, Mom? Bakit po hindi pa alam nila Kuya ang totoo?" Diretsang tanong ko. Nagkatinginan sila ulit.

"Ahm... ano kasi. Gusto kong sila mismo ang makakaalam at makakaramdam. Alam kong mali na itago sa kanila nang matagal ang totoo pero gusto kong sila ang makaalam. Gusto ko mang sabihin na sa kanila ay pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil gusto kong malaman kung anong gagawin nila kapag natuklasan na nila ang katotohanan. Gusto ko silang i-challenge. Alam ko namang mali ang ginagawa ko kaya I'm sorry, sweetie." Mahabang sabi ni Mom, napatango na lang ako. Pero ano daw? Charot.

Hindi naman ako galit sa kanila. Tulad ng sabi ko ay wala naman akong mapapala kung magtatanin ako ng galit sa kanila.

Kaya imbis na magtanim ako ng galit sa kanila ay iintindihin ko na lang sila.

"Ah, gano'n po ba? Hindi po talaga ako makapaniwala na mga Kuya ko sila. Parang dati lang pinapangarap ko na magkaroon ng Kuya na katulad nila pero ngayon Kuya ko pala talaga sila, hindi talaga ako makapaniwala." Sabi ko kaya mahina silang natawa.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersWhere stories live. Discover now