CHAPTER 51

2.9K 84 0
                                    

CHAPTER 51

JHIANNE POV

Nasa kotse ako ngayon ni Axel, ihahatid niya na raw ako pauwe sa bahay.

Hindi ko pa rin matanggap ang nangyare. Masakit pa rin sa 'kin na galit sa 'kin sila Kuya. Hindi ko naman sila masisisi dahil kamukhang kamukha ko talaga 'yung babaeng nasa video.

Kung ako rin ang nasa posisyon nila ay sure akong paniniwalaan ko rin 'yun lalo na at kamukhang kamukha ko 'yung babaeng nasa video.

Nagtataka lang talaga ako kung bakit nagkagano'n. Ano 'yon? Paanong nangyare 'yon? May gumaya ba sa mukha ko?

Malamang.

Sigurado akong naframe up lang ako ng kung sino kasi imposibleng ako talaga 'yon, eh.

Oo nga at kamukha ko siya pero hindi talaga ako ang may gawa non. Impossibleng may kambal ako.

Ang kwento sa 'kin ni Mom kanina, eh may tumawag daw sa cellphone ni Kuya James at sinabi nga 'yon.

Bago pa man sila makapunta do'n sa sinabi kay Kuya ay ayun nga, sinend 'yung video.

Bago saksakin si Sissy ay pinahirapan muna siya nang babaeng kamukha ko. Kitang kita ang pagpapahirap kay Sissy sa video.

Hindi ko matanggap na gano'n ang nangyare kay Sissy.

Balak ko siyang bisitahin bukas. Sasabihin na lang ni Mom sa 'kin kapag wala na sila Kuya doon at tsaka ako pupunta.

Hindi ko alam kung bakit hindi galit sa 'kin si Mom katulad nila Kuya James kahit na napanood niya 'yung video.

"Hey, nandito na tayo." Rinig kong sabi ni Axel kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Thank you sa paghatid." Walang ganang sabi ko.

Bago pa man ako bumaba sa kotse niya ay hinila niya ako palapit sa kaniya dahilan para mapayakap ako sa kaniya.

"Don't worry, susubukan kong kausapin sila James para maayos 'to. I don't want to see you cry." Bulong niya sa 'kin.

"Thank you, Axel for being here with me." Sabi ko habang nakangiti.

"I told you, I'm just here. I'm just here for you." Sabi niya lang.

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa uluhan ko at tsaka niya inangat ang ulo ko paharap sa kaniya at sa noo ko naman niya ako hinalikan.

Napapikit na lang ako dahil kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nandiyan si Axel sa tabi ko at sa ginagawa niya.

"Sige na, mauuna na ako." Sabi ko at tumango naman siya. Bumaba na ako sa kotse niya at tsaka nagpaalam sa kaniya.

Parang ayaw niya pa nga akong iwan, eh. Halata sa mukha niya na gusto niya pang manatili sa tabi ko. Nginitian ko na lang siya para masigurong ayos lang ako.

Hinintay ko munang makaalis siya at mawala sa paningin ko ang kotse niya tsaka ako pumasok sa loob ng bahay.

Nagtaka ako kung bakit tahimik pagpasok ko. Nang nasa pinto na ako ay nagsalita ako dahil nakita ko na si Mama.

"Mama–" Hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko nang sampal ni Mama ang bumungad sa 'kin.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita sa 'kin ngayon matapos ng ginawa mo sa anak ko!" Galit na sigaw ni Mama sa 'kin.

Shemay, nakalimutan ko, anak nga pala ni Mama si Kate Lyn.

"Ma, hindi po ako 'yon." Naiiyak na sabi ko.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sDonde viven las historias. Descúbrelo ahora