CHAPTER 42

2.9K 87 2
                                    

CHAPTER 42

JHIANNE POV

Nakayakap pa rin ako kay Axel ngayon, hindi niya ako binibitawan.

"Shh, tell me, what's your problem?" Tanong niya ulit habang hinahaplos niya ang buhok ko habang ang ulo ko ay nakasandal sa dibdib niya.

Napakasarap sa pakiramdam ng ginagawa niya kaya hindi ko rin magawang bumitaw sa mga bisig niya. Gumagaan ang pakiramdam ko sa ginagawa niya.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa napag-usapan namin kagabi nila mama.

Maya maya ay naupo kami sa upuan dito.

"Sabihin mo sa 'kin kung bakit ka umiiyak ngayon sa harap ko." Seryosong tanong niya.

Mukhang hindi siya papayag hangga't hindi ako nagsasabi sa kaniya at hindi niya ako titigilan sa kakatanong niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Mangako ka muna sa 'kin na hindi mo ito sasabihin sa iba? Dapat tayong dalawa lang ang makakaalam nito." Seryosong sabi ko sa kaniya nang hindi na ako umiiyak.

Gusto ko rin namang sabihin sa kaniya dahil gusto kong mabawasan ang sakit at bigat sa dibdib ko.

"Okay, I promise." Sabi niya kaya napangiti ako. Mukhang mapagkakatiwalaan ko naman siya kahit hindi naging maganda ang pagkakakilala namin sa isa't isa.

Hindi ko alam pero gusto kong sabihin sa kaniya ang problema ko. Feeling ko kasi na kahit sabihin ko sa kaniya, eh siya 'yung tipo ng tao na isesekreto lang talaga kung ano man ang napag-usapan niyo. Panatag ang loob ko na sabihin sa kaniya ang bagay na 'yon.

"H'wag mong ipagsasabi sa iba, ah?Promise 'yan." Sabi ko ulit at tumango naman siya.

Natahimik muna kami saglit saka ako nagsalita.

"Ano kasi, ahm... Nalaman ko na kung sino 'yung totoo kong pamilya. Alam mo 'yung gusto mong makita at makilala 'yung pamilya mo tapos malalaman mo na nakakasama mo lang pala sila. Hindi ako totoong anak nila Mama, 'yun lang ang alam ko pero kagabi lang nalaman ko kung sino ang totoo kong pamilya. Kung hindi ko pa narinig si Kate Lyn at si Mama na nag-uusap kagabi sa kusina ay hindi ko malalaman ang tungkol do'n." Sabi ko at nakita ko naman ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Hindi ka totoong anak nila Tita?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako sa tanong niya. Alam kong marami pa siyang gustong itanong sa 'kin at naguguluhan siya pero nanatili siyang tahimik.

"Kaya ko nalaman na hindi ako totoong anak nila Mama at Papa ay dahil narinig ko silang nag-aaway noon. Gusto na kasing kunin ni Papa 'yung totoo nilang anak ni Mama kaso ayaw pa ni Mama tapos ayun, nalaman ko na hindi ako 'yung totoong anak nila kaya naintindihan ko na kung bakit iba ang trato sa 'kin ni Papa noon. Noong mga araw na 'yon ay hindi ko pa kayo kilala ng Kuya mo." Sabi ko. Nakikinig lang naman siya sa 'kin, hinahayaan niya akong magsalita.

"Oo nga at alam ko ng hindi nila ako totoong anak pero hindi ibig sabihin no'n ay alam ko na kung sino ang totoo kong pamilya, ang lahat. Kagabi ko lang nalaman na nakakasama ko lang pala 'yung mga kapatid ko at nakita ko na pala ang mga magulang ko. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Para akong tangang naiyak ngayon, kagabi pa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil halo halo." Sabi ko sa kaniya.

Naramdaman ko na tumulo ulit 'yung mga luha ko. Nakakainis na, bakit ba ayaw tumigil ng luha ko? Ang sakit na sa mata.

"H-hindi ko alam kung bakit ako naiyak." Wala sa sariling sabi ko na narinig niya pala.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now