CHAPTER 3

4.8K 150 4
                                    

CHAPTER 3

JHIANNE POV

Papasok na kami ni Beshie sa school ngayon. Parang natatakot na tuloy akong pumasok dahil sa nangyare kahapon.

"Beshie, ayos ka lang?" Tanong sa 'kin ni Beshie.

"Oo Beshie, ayos lang ako." Sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya para hindi na siya mag-alala pa.

Tumango na lang siya at pinagpatuloy na lang namin 'yung paglalakad papunta sa room.

Nang makarating kami sa room ay marami rami na rin 'yung tao. Naupo na lang kami sa upuan namin.

Wala naman kasi kaming gaano close dito sa room eh maliban kila Rico and Chesca na parehas na wala pa.

"Beshie, may assignment ka na sa math?" Biglang tanong ni Beshie sa 'kin. Natawa naman ako dahil alam ko na 'to.

"Yes, tapos ko na. Bakit? Kokopya ka?" Natatawang tanong ko. Napakamot naman siya sa ulo niya.

Actually, matalino naman talaga 'yan si Beshie may pagkatamad lang talaga siya.

"Oo sana eh, tinatamad kasi akong sagutan kagabi. Alam ko namang meron kang sagot kaya mangongopya na lang ako." Sabi niya. Sabi sa inyo eh.

Simula elementary kami ay gawain na namin dalawa 'yan.

"Haha sige, kunin mo na lang sa bag ko, mag banyo lang muna ako." Sabi ko at tumango lang naman siya. May ilang minuto pa naman bago mag-umpisa 'yung klase.

Lumabas na 'ko ng room para mag banyo at hindi rin naman ako nagtagal doon at nagmadaling bumalik na 'ko sa room.

Akmang papasok na 'ko ng room nang may bigla na lang humila sa 'kin at sinampal ako bigla.

Nagulat naman ako don kaya hindi ako nakareact agad. Napahawak lang ako sa pisnge ko na sinampal.

"B-bakit mo 'ko sinampal?" Tanong ko kay Kate Lyn nang mahimasmasan na 'ko sa pagkagulat.

Yes, si Kate Lyn ang may gawa sa 'kin non.

"Tinatanong pa ba 'yan? Tss." Ngising sabi niya.

Nagtatakang napatitig naman ako sa kaniya at nakangisi lang naman siya sa 'kin.

"Anong ginawa ko sa 'yo para sampalin mo 'ko?" Tanong ko ulit.

Dahil sa eksenang ginawa niya ay nasa amin na ngayon ang atensyon ng lahat. Hindi pa nag-uumpisa ang klase kaya ganon.

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya tinanong ko siya ulit.

"Tinatanong kita, bakit mo 'ko sinampal?" Tanong ko pa ulit.

Imbis na sagutin niya 'yung tanong ko eh pagak na tumawa lang siya sa harap ko.

Baliw na ata 'to eh.

"I slap you because of what you did to me yesterday." Sabi niya.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWo Geschichten leben. Entdecke jetzt