CHAPTER 58

3.7K 91 5
                                    

CHAPTER 58

JHIANNE POV

Nagising ako nang may pumitik sa noo ko. Inis na dinilat ko ang mga mata ko at mukha ni Kuya Ashton ang bumungad sa 'kin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Istorbo ang walangya.

"Istorbo ka naman, alam mong natutulog pa 'yung tao, eh." Inis na sabi ko sa kaniya.

Papikit-pikit pa rin 'yung mata ko dahil sa inaantok pa nga ako.

"Hoy, h'wag kang ano diyan. Kanina pa kita ginigising pero hindi ka naman magising kaya pinitik na kita sa noo. Kung alam ko lang na magigising ka pala kapag pinitik ka sa noo, kanina ko pa sana ginawa." Asar na sabi niya.

"Okay." Simpleng sagot ko at nahiga ulit. Umupo kasi ako kanina habang salita siya nang salita.

"The fuck, Jhianne? Sa haba nang sinabi ko okay lang sasabihin mo?" Inis niyang sabi.

"Ay, mahaba pala dapat? Sorry, 'di ko alam, eh." Pang-aasar ko para mas lalo pa siyang nainis.

"Hay naku, ewan ko sa 'yo. Bahala ka diyan. Ako na lang mag-isa susundo kay Light." Sabi niya.

Hindi ko na sana 'yon papansinin nang marealize ko kung anong sinabi niya. Shit! Nakalimutan kong susunduin nga pala namin si Ate Light ngayon.

"Oh, h'wag mong sabihing nakalimutan mo?" Sabi niya.

"Hehe." Sabi ko lang at nagpeace sign at inirapan niya lang naman ako.

Sungit!

"Bilisan mo na lang diyan baka nando'n na 'yon sa airport." Sabi niya at umalis na.

"Sungit!" Sigaw ko pa.

"I'm not!" Sigaw niya rin.

Napailing na lang ako at nag-ayos na. Excited na akong makita ulit si Ate Light. Girlfriend ni Kuya Ashton 'yon si Ate Light.

Classmate niya daw 'yon sa America. Aso't pusa nga daw silang dalawa, eh.

Kinikilig nga ako sa kanila, eh. Bagay naman kasi silang dalawa. Mabait 'yon si Ate Light may pagka amazona nga lang.

Mag 3 years na silang dalawa. Sana nga magtagal pa sila, eh. Bagay na bagay kasi silang dalawa. Manghihinayang ako kapag naghiwalay silang dalawa. Ako 'yung mas masasaktan siguro kapag nangyare 'yon.

Nagmumukha nga akong third wheel tuwing kasama nila ako, eh. Kainis kaya 'yon.

Ay wait, I forgot. Nagtataka siguro kayo kung bakit si Kuya Ashton ang gumising sa 'kin, noh?

Nasa iisang bahay lang kami. Actually, condo 'to, condo niya. Nakikitira lang ako.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko naman siyang naghihintay na sa labas.

Nilock ko muna 'yung pinto ng condo niya bago lumapit sa kaniya.
 
"Hey." Tawag ko sa kaniya.

"Tagal mo, tara na." Masungit na sabi niya at naglakad na papasok sa kotse niya, agad naman akong sumunod.

Tingnan mo 'to. Porket uuwe lang bebe niya dito, eh, tss. Edi siya na, nahiya akong single, eh.

Pagdating namin sa airport ay siya ring dating ni Ate Light.

"Hey, Sweetie." Malambing na tawag ni Ate Light kay Kuya Ashton.

"Yow, Sweetie." Sagot naman nitong si Kuya Ashton. Napangiwi lang naman ako.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now