CHAPTER 20

3.9K 107 3
                                    

CHAPTER 20

SEAN POV

"Mom, Axel and Ashton is here."  Anunsyo ni Kuya James kila Mom.

Yeah, nandito sila Axel at Ashton. Balak nilang bisitahin sila Mom.

"Oh, really? Namiss ko ang dalawang 'yon, ah. Kailan sila dumating dito?" Tanong ni Mom, nasa kusina kasi siya at nagluluto.

"Hmm, no'ng nakaraang linggo lang, Mom." Sagot ko at tumango naman siya.

"Hey yow, Tita!" Nangungunang boses ni Ashton ang narinig namin. Kahit kailan talaga 'to. Napailing-iling na lang ako.

"Naku ka talagang bata ka, hindi ka pa rin nagbabago. Sakto, kakatapos ko lang magluto." Natatawang sabi ni Mom at tsaka masayang nagbeso beso sila sa isa't isa.

Nang umuwe kasi sila dito ay hindi sila nakabisita agad kaya ngayon lang sila nakapunta dito.

"Kumusta naman kayong magkapatid? Ang tagal niyo ring nawala, ah." Tanong ni Mom do'n sa dalawa.

"We're fine, Tita. How about you po?" Si Axel naman ang nagtanong.

"Siyempre, ayos lang din naman." Nakangiting sabi ni Mom.

"You're still pretty, Tita." Sabat ni Ashton kaya natatawang hinampas siya ni Mom sa balikat niya.

Leche talaga 'tong siraulong 'to.

"Maloko ka pa rin talaga, Ashton." Natawang sabi ni Mom kaya natawa na lang din kami.

Nagkumustahan lang naman sila hanggang sa nagsabi na si Mom na kumain na kaming lahat.

Aayaw pa sana sila Ashton at Axel pero hindi pumayag si Mom kaya ang ending nandito pa rin silang dalawa.

"Kilala niyo ba si Jhianne?" Biglang tanong ni Mom. Nagtataka akong napatingin kay Mom.

Bakit nadamay dito si Jhianne?

Dahil sa kumakain nga kami ay nabulunan 'yung dalawa. Agad agad naman silang binigyan ng juice ng katulong namin.

Tatawa tawa naman kami dahil sa reaction nilang dalawa.

"Nabanggit ko lang ang pangalan ni Jhianne nabilaukan na." Tatawa tawang sabi ni Mom.

Kahit si Kuya James na laging seryoso ay napangiti dahil nga sa reaction ng dalawa.

"Masyado kayong halata, mga dude." Natawa kong sabi kaya nakatanggap lang naman ako nang masamang tingin galing kay Axel pero hindi naman ako natakot do'n hindi naman siya si Kuya James para katakutan ko, joke.

"Yeah, I know her. She's my friend and also my classmate." Nakangiting sabi ni Axel.

"Yes, I know her too. Ako kaya firs–" Nagtatakang napatingin kami kay Ashton nang hindi niya tinapos ang sasabihin niya.

"Nevermind." Sabi niya na lang at pilit na ngumiti sa 'min kaya napatango tango naman kami.

"Really? Small world nga naman. Kilala niyo siyang lahat." Nakangiting sabi ni Dad.

Kami kasi ay tahimik lang na kumakain, hinahayaan lang namin silang mag-usap.

Kahit si Kate Lyn ay tahimik lang. Napapansin ko na tahimik na siya lagi, hindi na siya katulad ng dati na madaldal.

Ano kayang nangyare dito sa bunso namin?

Kahit na gusto namin siyang tanungin ay hindi namin ginawa dahil nirerespeto namin siya.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now