CHAPTER 22

3.7K 103 4
                                    

CHAPTER 22

JHIANNE POV

Lunch time ngayon at naglalakad kami nila Beshie papuntang cafeteria. Siyempre hindi muna ako makikipagkita ngayon sa magkakaibigan.

Kasama kasi nila si Kate Lyn ngayon, siyempre para walang gulo need kong umiwas, malamang.

Ayaw ko na ng gulo kaya, ganern. Isang linggo ring absent si Kate Lyn. Kaya pala siya absent at hindi ko nakikita dahil nagkasakit daw siya.

Naawa naman ako sa kaniya. Bakit kaya siya nagkasakit? Nag-alala din ako.

Pagkarating namin sa cafeteria, eh malamang sa alamang nasa akin na naman ang paningin ng mga studyante.

Bakit ba sila ganiyan sa 'kin? Wala naman akong ginagawang masama.

Naupo na lang kami sa upuan namin nila Beshie dito sa cafeteria. Hindi sa mesa ng Smith Brother's, ah.

"Uy, Beshie. Bakit hindi mo ginagalaw pagkain mo?" Nabalik ako sa reyalidad nang magtanong si Beshie.

Doon ko lang nalaman na nandito na pala pagkain namin at nakain na sila. Ako, nakatunganga lang.

Bakit nga ba?

"Sorry, may iniisip lang." Sabi ko na lang at tumango lang siya. Halatang nagtataka, pero hindi na nagtanong pa.

Ano ba 'yan, kumain na lang ako tsaka hindi na ulit nag-isip pa. Hindi ko alam pero napalingon ako sa gawi ng lamesa nila Axel.

Sana all nagtatawanan. Inggit ako, sama naman ako diyan, char.

Nalukot ang mukha ko nang makitang walang reaction ang pagmumukha nila Axel at Kuya James habang 'yung mga kasama nila ay nagtatawanan.

Grabe 'to, parehas sila ni Kuya James. Magsama kaya sila? Dapat sila na lang dalawa magkapatid, eh kasi parehas silang ganiyan. Baka nga sila talaga ang magkapatid, charot. Napailing na lang ako sa pinag-iisip ko.

Akmang iaalis ko na ang paningin ko sa kanila nang bigla namang lumingon si Axel sa gawi ko.

Nagtama ang paningin naming dalawa. Napairap ako ng ngisihan niya ako. May sapak talaga siya, ang sarap niyang kaltukan.

Bago ko pa siya mapatay sa isip ko ay iniwas ko na ang paningin ko sa kaniya.

Buti na lang at nagbell na kaya agad kaming pumunta sa next class namin. 'Di ko alam na gano'n kabilis ang oras, ni hindi ko nga nagalaw nang maayos 'yung pagkain ko, unti lang nakain ko.

Pagpasok namin sa room ay wala pa ang prof namin kaya nagawa pang magharutan nang mga kaklase ko.

"Beshie, classmate mo si Axel sa next class mo mamaya 'di ba?" Biglang tanong ni Beshie sa 'kin.

"Yes, why?" Takang tanong ko.

"Wala lang." Sabi niya at bumalik na ulit sa ginagawa niya, napakibit balikat na lang ako.

Hindi namin kaklase 'yung dalawa, sila Chesca and Rico.

Tapos pagkatapos nitong subject na 'to ay sa next class ko kaklase ko si Axel, hay naku.

Nang dumating na ang prof ay natahimik na ang lahat. Buti na nga lang din at hindi ko kaklase si Kate Lyn.

Pero alam niyo, nakakataka lang na hindi na 'ko gaano ginugulo o binubully ni Kate Lyn.

Minsan sinasamaan niya na lang ako nang tingin, mga gano'n. Weird niya nga, eh.

Pero alam kong gano'n gano'n lang 'yon siya pero nagpaplano na pala siyang ipapatay ako, h'wag naman sana.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now