CHAPTER 75

2.7K 70 6
                                    

CHAPTER 75

JHIANNA POV

"Kuya, wah!" Sigaw ko ng bigla na lang bumaba nang napakabilis 'yung space shuttle na sinakyan namin nila Kuya.

Takte, mamamatay ata ako dito, eh. Nakakalaglag kaluluwa naman 'to.

Si Kuya James ang katabi ko tas si Kuya Mark at Kuya Sean ay sa likod namin. Narinig ko lang naman ang tawa ni Kuya James. Napakahigpit nang hawak ko sa kamay ni Kuya James.

Nakapikit pa ako dahil natatakot talaga ako, wah!

"Tangina mo, Axel! Bwiset kang gago ka!" Buong lakas na sigaw ko at dahil do'n ay mas lalong natawa sila Kuya at 'yung mga nakarinig.

Nakakahiya man, pero wala lang. Trip ko lang isigaw. Sabi nila Kuya isigaw ko daw gusto kong sabihin kay Axel, edi 'yan na.

Nakakabwiset talaga. Pagkatapos namin do'n sa nakakamatay na space shuttle na 'yon ay hihilo hilo ako ng makababa kami do'n.

"Grabe, ang sakit ng ulo ko do'n, ah." Sabi ko sabay hawak sa ulo ko. Agad naman akong naalalayan ni Kuya James nang muntikan na akong matumba.

"Ano? Ayos ka pa? Kaya mo pa?" Natatawa pang tanong ni Kuya James. Sinamaan ko lang naman siya ng tingin. Kanina pa kami dito sa Enchanted Kingdom, eh.

Pero happy ako dahil masaya sila Kuya at natawa si Kuya James, minsan lang kung tumawa 'yan, eh.

Dahil sa bonding namin na 'to ay nakalimutan ko siya. Sana magtuloy tuloy na 'to.

"Kuya naman, eh. Kainis kayo." Sabi ko na lang at inunahan ko na silang maglakad, bahala sila diyan. Magd-drama na lang muna, ako bakit ba?

Natawa naman ako nang hinabol nila ako kaya ayun, napatakbo na ako. Para kaming mga bata na naghahabulan dito.

Wala na kaming pakealam kung may nanonood sa harutan naming magkakapatid, basta gusto ko masaya kami.

Nang mapagod kami kakahabulan ay nagpasya na kaming tumigil at kumain na lang muna kami.

"Penge ako niyan, Kuya Mark." Tawag pansin ko kay Kuya Mark.

"Alin?" Tanong niya at ininguso ko naman 'yung softdrink niya.

Napapalakpak naman ako sa tuwa dahil agad niya namang binigay 'yon sa 'kin. Naubos na kasi 'yung akin, eh.

"Saan mo sunod gustong sumakay pagkatapos natin kumain dito?" Tanong ni Kuya Sean kaya napaisip naman ako.

Buti ako na pinapili nila kasi kanina pa sila 'yung pili nang pili, eh at nakakamatay lahat ng pinipili nila.

"Hmm, anchor's away." Sabi ko at napapitik pa ako ng daliri no'n, ah.

"Okay." Sabay sabay na sagot nila kaya napa yes naman ako.

"So tara na? I'm exited, wah!" Tiling sigaw ko pero 'yung kami lang makakarinig.

Natawa na lang naman sila sa inasal ko. Para ako nitong bata na kakalabas lang ng bahay.

"Kalma lang, masasakyan natin lahat 'yan." Natatawang sabi ni Kuya Sean kaya natawa na lang din ako.

"Excited lang si ako, eh bakit ba?" Sabi ko at natawa na naman sila.

Sana lagi na lang kaming masaya, noh? Ang sarap sa pakiramdam ng makita kong masaya sila Kuya at ang sarap din sa pakiramdam dahil nakapagbonding ulit kaming magkakapatid.

Pagkatapos naming kumain ay nagpatunaw muna kami ng mga kinain namin dahil nga kakatapos lang namin kumain.

Alangan naman maggora agad kami, eh kakatapos lang namin kumain. Mamaya magka appendix pa kami, eh.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now