CHAPTER 24

3.5K 103 0
                                    

CHAPTER 24

JHIANNE POV

Nakatitig lang ako sa kaniya habang buhat niya ako.

Bakit niya nga ba ako binuhat?

"Ahm... ano... okay lang ako, pwede mo na akong ibaba." Naiilang na sagot ko na lang sa tanong niya kanina na hindi ko nasagot dahil sa biglaang pagbuhat niya sa 'kin.

Nakahinga naman ako nang maluwag ng sundin niya ang sinabi ko. Naiilang kasi talaga ako, eh.

Lagot talaga sa 'kin si Ashton mamaya, kainis siya. Nasaan na nga ba 'yon? Nilingon ko ang paligid at nakita ko siya sa kubo.

Wow! Ang bilis niyang nakarating diyan, ah.

Ang lupit din nitong lalaking 'to, matapos akong kuhanan ng picture at takbuhan dahil hinabol ko siya, eh natapilok naman ako.

"Kasalanan niya 'to, eh!" Inis na sabi ko at dahil sa inis ko, eh naidiin ko ang pagtapak sa buhanginan dahilan para mapaaray ako dahil sa sakit.

Muntik pa nga akong mapaupo, eh buti na lang nahawakan agad ako ni Axel. And I forgot, siya 'yung bumuhat sa 'kin kanina.

"You said earlier that you are fine but you are not." Medyo inis na sabi niya. Napailing na lang ako sa sinabi niya dahil wala akong masabi.

Akmang bubuhatin niya ako ulit ng pigilan ko siya.

"Okay lang talaga ako." Sabi ko sabay ngiti.

"Fine, bahala ka diyan." Asar na sabi niya at iniwan ako.

Aba, lupit din nito. Magkapatid nga sila, tsk. Bakit ba nakilala ko pa 'tong magkapatid na 'to?

Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad, pero hahakbang pa lang ako nang kumirot ulit.

Ang sakit niya! Kasalanan talaga 'to ni Ashton!

Hindi ako makalakad nang maayos. Kahit masakit, eh pinilit ko na lang maglakad.

Mangiyak-ngiyak ako habang naglalakad papunta sa kubo kung nasaan sila.

Wala talagang awa, iniwan talaga ako. Hindi na 'ko binalikan, kainis. Gano'n na lang ang pagngiwi ko sa tuwing tinatapak ko 'yung paa ko na nasprain na ata, sobrang sakit.

Nang makarating ako sa kubo ay laking taka nila kung bakit gano'n daw ako maglakad. Paika-ika at bakit daw ako naiyak.

Naiyak na pala ako, hindi ko man lang namalayan. Ang sakit kasi talaga, eh.

"Anong nangyare sa 'yo, Beshie? Tsaka bakit namamaga 'yang paa mo?" Nag-aalalang tanong ni Beshie.

Nilingon ko ang paa ko at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang namamaga nga siya.

Gano'n pala kalala ang pagkakatapilok ko kanina?

Inis na tiningnan ko naman si Ashton na ang sarap lang ng kain. Paano niya nagagawang kumain nang ganyan habang ako dito naghihirap?

"Kasalanan mo 'to, eh." Naiiyak na sabi ko habang nakaturo kay Ashton na ang sarap pa din ng kain sa manok.

"What did you do?" Tanong ni Kuya James sa kaniya.

Do'n ko lang din napansin na nandito sila Chesca and Rico kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Hindi ko alam na kasama din pala sila dito. Okay nga 'yun, eh kasi masaya, nagulat lang talaga ako.

Kasama lang namin na matanda dito, eh ang magulang nila Kuya James , sa ngayon.

"Luh, wala akong ginawa diyan." Tanggi naman ni Ashton.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sWhere stories live. Discover now