CHAPTER 9

4.2K 126 7
                                    

CHAPTER 9

JHIANNE POV

Ilang linggo na matapos ang nangyare at ang pagkapunta ko sa bahay ng Smith.

Ilang linggo rin akong nakitira kila Beshie. Buti na lang pumayag siya pati na rin sila Tita at Tito na parents niya.

Buti na lang dala ko 'yung cellphone ko no'n at sakto pagbukas ko ng cellphone ko no'n ay tumatawag si Beshie kaya nagpasundo ako sa kaniya.

Kahit na kaharap lang ng bahay nila Beshie ang bahay namin ay hindi ako pumunta doon.

Naalis kami ni Beshie sa bahay nila nang maaga para pumasok dahil ayaw kong makasalubong si Mama dahil ayaw ko siya maabutan at kung maabutan man niya kami ay hindi ko naman siya pinapansin.

Tuwing napunta naman siya dito sa bahay nila Beshie ay hindi ako nalabas ng kwarto, hindi ako nagpapakita sa kaniya.

Sorry, Mama. Hindi pa 'ko handa na kausapin ka.

Napalingon ako sa may bintana at tinignan ang mga bulaklak nila Tita. Mahilig kasi sa bulaklak 'yun si Tita eh, 'yung Mommy ni Beshie, parehas sila ng Mommy nila Kate Lyn.

Kumusta na kaya 'yun si Tita at Tito? Sana makausap ko sila ulit.

Napatigil ako sa pagtingin sa mga bulaklak nang makitang papunta dito si Mama.

Agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Beshie sa kwarto niya. Sana hindi siya tulog.

Kahit maaga, tanghali o hapon pa 'yan ay matutulog 'yan. Mahilig matulog 'yun, eh.

Wala kaming pasok ngayon dahil may biglaang meeting ang mga professor.

"Beshie!" Sigaw ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto niya.

Kakatok sana ako ulit nang biglang bumukas na ang pinto at ang nakabusangot na mukha ni Beshie ang bumungad sa 'kin.

Mukhang nagising ko siya sa masarap niyang pagkakatulog.

Naibaba ko ang kamao ko na na nabitin sa akmang pagkakatok ulit kanina nang bumukas na nga ang pinto.

"Ano ba 'yon, Beshie?" Asar na tanong niya.

Inaya niya akong pumasok sa loob ng kwarto niya at naupo naman ako sa kama niya.

"Alam mo bang inistorbo mo 'ko sa panonood ko ng kdrama, ha, Beshie?" Sarcatic na tanong niya.

Ay, akala ko natutulog siya. Nanonood lang pala.

"Sorry na, Beshie. Mukhang pupunta kasi ulit si Mama dito, eh." Sabi ko at napabuntong hininga naman siya. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.

"Beshie, siguro kailangan mo ng kausapin ang Mama mo. Hindi habang buhay pwede mo siyang iwasan, Beshie." Malungkot na sabi niya.

Naikwento ko na rin kasi sa kanila ang nangyare.

"Beshie, hindi ko alam kung kaya ko ng kausapin si Mama." Naiiyak pa 'ko nang sabihin ko 'yon.

"Beshie, listen to me. I know na nasaktan ka pero, Beshie naman. Hindi pwedeng lagi mong iwasan ang Mama at Papa mo. Kailangan mo silang harapin para maliwanagan ka na rin at matanggap mo na ang katotohanan kahit na masakit para sa 'yo." Natigilan ako sa sinabing 'yon ni Beshie.

I'm The Real Sister Of The Smith Brother'sTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang